ENJOY READING ;)
Ara's POV
"gago, seryoso ba talaga to? omygosh hindi ko ito ine-expect" Parang tangang pag i-isterikal ni cj. Kanina niya pa inuulit ulit yan. Para bang siya yung nanay ko at ay ayaw akong mabuntis at magkaron ng anak. Siraulo
Gusto kona tuloy magsisi na sinabe ko sa kanila na may anak ako. Jusko
Nandito na kame sa bus, pauwing isabela. Araw ng biyernes ngayon. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, nag siuwian na agad kame upang makapag bihis at makuha ang mga gamit na dadalhin namin.
Mabuti nanga lang sumaktong walang pasok ng tatlong linggo. Dahil maraming darating na bisita sa school. Hindi nako nag abalang mag tanong kay kuya ash, wala din naman akong pake kung ano mang ganap don.
Nag paalam din ako na aalis ako dahil uuwi ako ng isabela, kung saan talaga nakatira sila lie.
Wala siyang alam kung anong pakay ko don, maliban sa dadalawin namin ni lie ang mga magulang niya.
Wala pa din akong balak sabihin sa kanila. Sa kaniya.
Masaya sila cj at klaire, dahil ngayon lang daw sila makakapunta sa 'probinsya'. Ewan ko ba, sa yaman ng dalawang to, hindi man lang nakakapag bakasyon sa ganong mga lugar.
Mas marerelax ka nga sa ganong lugar. Yung tipong ang sarap sa pakiramdam nang simoy ng hangin don. Puno pa ng mga halaman kaya tiyak na marerelax ka talaga. Bonus nalang siguro ang mga tanawin din. Sa aken.
Ang habol ko lang naman sa mga ganong lugar eh yung tahimik. Payapa. Yung masasabe ko talagang pahinga.
Para saan pang lumuwas ako don kung mag papagod din naman pala ako para mag lakwatsya.
"ilang taon na siya, Ara?" nakangiting tanong ni klaire.
"4 yrs old na bukas" pag papanguna saken ni lie. Ngumiti pa siya saken. Akala mo siya ang tinanong.
"4 yrd old- ha?"
"What the f?"
Sabay na sigaw nila cj at klaire. Taka naman kame ni lie na tumingin sa kanila. Napapahiya pakong ginila ang mga mata, dahil sa sigaw nila may mga napatingin pa saamin. langya naman.
"edi 16 palang buntis kana?" nanlalaki ang mga matang baling saken ni cj. Natawa pa ako saglit sa itsura niya bago bahagyang tumungo kaya lalong nanlaki ang mga mata niya.
"omg, exciting yung story mo, palaganap nga hehe" bungisngis ni klaire.
"HAHAHAHA as if, naman mag kukwento yan" Malakas kong binatukan si lie kaya napanguso siya habang nagkakamot ng ulo. Siraulo.
Ilang oras pa ang byahe namin kaya nag pasya kame na matulog muna. Siguro Madaling araw na pagkadating namin don.
Nagising lang kame dahil sa nag stop yung bus para sa mga iihi. Tumingin ako sa labas at nakitang madilim na, inilipat ko ang tingin sa relong pang bisig ko at nakitang 2:44 na ng umaga.
"What's happening?" napabaling ako kay klaire ng mag salita ito. Halatang bagong gising.
"Baba para sa mga gustong mag cr, naiihi ba kayo?" tanong ko. Umiling si cj bago bumalik sa tulog. Sila lie at klaire naman mag kasamang bumaba dahil naiihi daw sila.
Dito nalang ako sasamahan ko nalang si cj dahil hindi sanay sa ganto ang isang to.
Hindi na kame nag pasyang mag dala ng kotse dahil mahaba ang byahe tiyak na pagod lang ang aabutin namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/225966457-288-k695796.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
RandomNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...