Chapter 6

27 4 0
                                    

MERRY CHRISTMAS🎄🤗

ENJOY READING ;)

Ara POV

"ikaw"

Napataas ang kilay ko at tumingin sa kaniya. Prinoproseso sa utak yung sinabe niya. Ano raw?

"pfff" pigil ni cj ang matawa dahil sa masamang tingin namin ni mave sa kaniya. Nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig.

"I mean. ikaw. anong gusto mong kanta! Tutugtog lang naman kame eh kayo yung kakanta" pag papaliwanag niya. He awkwardly smile at me.

"Antayin nalang natin yung mga kaibigan mo para mapag-usapan natin mamaya" ani ko. Tumungo lang siya bago tumayo at lumapit sa dapple bag niya.

"bagay kayo" biglang saad ni cj. Bahagya pang natawa sa sinabe niya. Binigyan ko lang siya ng blangkong tingin. Bagay my ass.

Lumipas ang halos limang minuto bago dumating ang mga kaibigan ni mave "di nako aattend sa oras ni mrs. castro" Rinig kong saad ni Felix, na kausap ang kakambal nito "kayo mave,kylo aattend pa kayo ng class" baling naman ni fred sa dalawa.

Tumingin sa pwesto namin si mave bago mag salita "hindi na." tumungo lang si kylo bilang pag sang-ayon sa kaibigan. "kayo miss suplada?" biglang ani nito. Napataas pa ang kilay ko ng dumiretso ang tingin niya sa pwesto ko. Tinaasan niya din ako ng kilay at pinag cross pa ang mga braso sa ilalim ng dibdib.
Nag aantay ng sagot.

"pake mo mr sungit" sagot ko. Nag tawanan ang mga kaibigan niya dahil sa sinagot ko. Habang ang mukha niya naman ay hindi na maipinta ang itsura.

"naks may pa endearment" ani ni felix habang tumatawa pa. "oh siya, mamaya na mag away mga lovers umpisahan mona natin ang practice huh" nakangiting ani nito.

"lovers my ass" sabay naming saad ni mave. Nagkatinginan pa kame at inirapan ang isat isa.

Anong kabaliwan yun? Lovers? sakit lang sa ulo yun noh. Masakit nanga sa ulo yung mga subject sa school eh.

"opm songs nalang kaya..." suggest ni fred at felix. Nag kakagulo na sila. Hindi kase nila alam kung anong tutug-tugin. Parang mga bata psh.

"eh bakit kase tayo ang namimili? tutugtog lang naman tayo sila ang kakanta mga ugok" ani ni fred. Nakaturo ang mga daliri sa pwesto namin.

"oo nga" sang-ayon naman ni felix

"kayo kaya tong nagkakagulo. Mandadamay pa!" sabat naman ni kylo. Umamba pang mananapak.

"ano bang gusto nyung kantahin miss supl-" napatigil ito sa pag sasalita ng makita ang masamang tingin ko "miss sebastian hehehe..."

"i suggest opm songs nalang" si cj ang sumagot. Nag umpisa kameng mag usap para sa mga kakantahin namin.

"2 songs lang naman ang kailangan diba? Opening and Closing remarks"

Pagkatapos ng practice namin sa music room umalis agad kame ni cj. Di na daw aattend ng class yung apat dahil may training daw sa basketball "tapos na practice nyu?" yun agad ang bungad ni Lie samin.

"obvious ba?" balik na tanong ko.

"may regla ata yan eh" ani ni cj. Umupo na kame sa pwesto namin ng pumasok na si miss castro. Values TC namin at nagumpisang mag turo.

Sa dumaan na linggo ganun lang ang naging routine namin. Papasok ng maaga para mag practice at aattend ng mga klase. "sabay sabay na tayong mag lunch, wala naman na tayong klase kase may meeting daw yung mga teacher " ani ni kylo bahagya pang nakangisi

Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon