ENJOY READING ;)
Ara Pov
Nakita niya bako?
ughhhh...bakit naman kase sa dinami daming araw na pwedeng umiyak ngayun pa?
Napaluha nanaman ako ng maalala yun..
FLASHBACK
Ng matapos naming kumain umalis agad kame sa canteen at tumungo sa locker para magpalit ng damit pang P.E
"uy klaire ok kalang ba?" baling ni cj kay klaire na tahimik lang na nakaupo sa gilid.
Pakatapos ng nangyare kanina naging ganiyan na siya. Siguro nagulat din siya dahil sa ginawa ni kylo sa kaniya
Ngumiti si klaire ng pilit kay cj "oo naman, wala namang dahilan para hindi ako maging ok diba?" saad niya. Napabuntong hininga si cj bago tumingin samin
"yung nangyare ba kanina?" biglang saad ko. Napatingin sila saken. Bahagya naman akong siniko ni lie pero diko siya binalingan ng tingin
Natawa si klaire bago magsalita "ganun naba talaga kalaki yung galit niya saken?" biglang asik nito. Kitang kita ang mga butil ng luha na namumuo sa gilid ng mata niya "alam ko namang mali ako eh, pero humingi ako ng tawad diba?.....totoo nga nag bago na siya" ngiting pilit na sambit nito.
Sa nasaksihan ko kanina, alam kong mahal pa nila ang isat isa. Pero hindi nila maamin kase may malaking bato ang nakaharang sa pagitan nila.
Well, ganiyan naman talaga sa pagibig diba? masaya ka sa una, pero pag dating sa gitna, lumalabo na at tuluyan ng mawawasak sa huli...
Dumating ang lec namin sa PE kaya nag simula na kame.
Volleyball yun, pero hindi nako nag abalang sumali.
Naupo nalang ako sa bakanteng simentong upuan dun habang tanaw ang mga kaibigan kong sayang saya sa pag lalaro. Tsk parang bata.
"grabe nabawasan ata taba ko dun" biglang asik ni lie ng matapos silang mag laro.
Taba? eh buto buto ka nanga eh. Konting payat mopa pwede kanang ibulalo.
Natawa ako sa isiping yun
Matapos naming magpalit ng damit dumiretso kame canteen para bumili ng tubig.
Nasa kalagitnaan kame ng paglalakad ng biglang hawakan ni lie ang braso ko habang titig na titig sa cellphone niya. Nakangiti.
"uhm cj una na kayo, susunod nalang kame" Ani lie. Hindi pa nakakasagot si cj ng hilain na niya ako paalis. Nagpatianod ako haggang sa makarating kame ng gate
"lie ano ba?" atungal ko ng bitawan niya ang braso ko. May makikitang saya sa mukha niya ng ibaling niya saken ang paningin. Napataas ang kilay ko at handa na sanang mag salita ngunit naunahan niya ko
"nakauwi na si kuya ashton Ara" nakangiting saad nito. Napabaling ang paningin ko sa isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin.
Napabalik ang paningin ko kay lie. Gulat. "sinabe mo?" takang tanong ko.
"O-oo Ara" Naguguluhang ani niya. Nataranta siya ng may luhang pumatak sa pisngi ko
"B-bakit?" naguguluhang saad ko
"Anong bakit?" takang asik niya
"Ara akala koba gusto monang makita ang kapatid mo?"
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
AcakNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...