ENJOY READING ;)
Ara Pov
Ramdam ko ang pagtitig saken ni Lie kaya naman binalingan ko siya at nginitiaan ng pilit. Alam ko ang nasa isip ng isang to.
Psh napaka OA
Nandito parin kame sa clinic. Naisipan naming wag na monang umattend ng unang subject namin sa hapon dahil late narin naman kame.
"ok kana ba?" tanong ko kay klaire na nakikipag tawanan na kila lie at cj. Nasampal ba talaga to?
Tumungo lang siya at ngumiti. Ginantihan kolang siya ng ngiti.
Ng mahigit dalawang oras na kame doon nagdesisyon na kameng umakyat sa room para pumasok sa susunod na subject.
Pagakyat namin nandun paden si miss na nagliligpit ng mga gamit. "bakit ngayun lang kayo?" iyon agad ang bungad niya saamin ng makita kami na nakatayo sa labas ng room. Hindi iyon pagalit kung hindi mahinhin na tanong niya.
"may kinausap lang po miss" sagot ni klaire. Taka naman akong napatingin sa kaniya ganun din si lie. Napabuntong hininga naman si cj.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga kaklase naming nakikinig na din
"may kinausap o nag cutting classes" malanding sabat nung torres. Eh kung sungal-ngalin kaya kita?!
"Miss Jambaro" suway sa kaniya ni miss. Napangisi nalang ako dahil halata sa mukha niya ang pagkapahiya "Miss torres, bakit namumula ata yang pisnge mo?" biglang tanong ni miss ng mapansin ang pisngi ni Klaire.
"Kinamot kolang po miss" pilit ang ngiting sagot nito habang tinatakpan ng kapirasong buhok ang bahaging iyon. Tungo lang ang isinagot ni miss. Naupo na kame sa pwesto namin ng mag paalam na si miss na aalis. Napansin ko den na sinusundan siya ng tingin nung grupo nila mave.
Ng matapos ang unang araw ng klase namin, sabay sabay kameng dumiretso sa parking para umuwi na. Nag paalam mona kame sa isat isa at kaniya kaniyang sakay sa sasakyan...
Pag dating sa aking condo. Nakaramdam agad ako ng pagiisa. Napabuga nalang ako ng malalim na hininga bago dumiretsong banyo. Naglinis lang ako ng katawan at pabagsak na nahiga sa aking malapad at malawak na kama.
Parang pagod na pagod ang katawan ko ngayung araw. Kaya naman hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
"pabigat ka talaga"
"kasalan mo"
"sana ikaw nalang ang namatay"
Napabalikwas ako ng bangon mula sa mahimbing na pagkakatulog, dahil sa mga salitang yun "ayoko na" mahinang sambit ko at bahagyang napahawak sa aking sintido.
Bumangon ako. Kinuha ko muna ang cellphone ko na nakapatong sa side table ko bago lumabas ng kwarto at nag tungo sa kusina para kumuha ng tubig sa ref
Nag sasalin ako ng tubig sa baso ng tumunog ang cellphone ko na ipinatong ko sa stool table sa tapat ng aking mini bar. Kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumatawag
Lie calling......
Napabuntong hininga pako bago iyon sagutin.
"hmmm" saad ko ng sagutin ko ang tawag.
[sabe na eh, gising kapa] bungad niya
"hmm nagising lang" asik ko at inalala nanaman ang napanaginipan ko.
[ulet] tanong nito. Tumungo lang naman ako na akala mo ay makikita niya. Hindi ako nag salita kaya nagpatuloy siya [gusto mobang pumunta ako jan? hyst sabe ko naman sayo eh, mag hanap kana ng bagong condo] natawa ako ng bahagya dahil nag uumpisa nanaman siyang magalit.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
RandomNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...