ENJOY READING ;)
Mave POV
Anong katangahan yun mave?. Nauulol kana ba? Teka! Bakit ko nga ba ginawa yun? Kingina walk out? Anong kadramahan yun?
"pre?" habol ni kylo saken. Nakasunod sa likod nya ang kambal na may nakakalokong ngisi sa mga labi. Sigurado akong pati sila naguluhan. Wag kayong mag alala kase ako den! "seriously? walk out?" Natatawang ani ni kylo. "sino ba sa kanila at napawalk out ka? haha!"
"Tanga!" ani ni fred. Binatukan niya pa si kylo na ginaya pa ni felix! "sino paba?! edi si 'miss suplada'! bobo ka" nakanguso pa siyang tumingin saken. Sinalubong kolang siya ng masamang tingin. Gagong to! Miss suplada? si Ara? no way! "so...mave" umakbay pa ang gunggong saken.
"so, what?" taas kilay kong tanong.
"hey guys!.." ang tinig ni hazel ang pumukaw saamin. "anong ginagawa nyu dito? may training kayo ngayun! Right?" tanong niya. Agad na pumulupot ang mga braro niya sa mga braso ni kylo.
"ito kaseng si mave may eks- mmmm" agad kong tinakpan ang bibig ni fred ng bigla nanamang umandar ang pagka mala machine gun nitong bibig! "pwe pwe pwe! tangina ang baho ng kamay mo pre" nakangiwing ani niya. Nakatakip pa ang ilong. Gagong to!
"A what?" maarteng tanong ni hazel..Umiling nalang ako at iniwan sila doon. Dumiretso ako sa shower room! Dito ako pumunta sa locker room matapos nung ginawa kong pag wawalk out kanina. Tangina talaga! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't ginawa ko yun. Masyado naman ata akong apektado sa presensya niya!
Bat ba ganun nalang ang epekto saken ng presensya niya? Matagal narin naman kameng nag kakasama diba? Lalo na sa practice.
Mave ano ba?! umayos kanga!
Ewan koba! simula ng magkasama kame sa pag-papractice para nakong tanga kapag nararamdaman ko siyang malapit saken. I mean normal lang namang maramdaman ang presensya niya diba? pero bat parang iba yung pakiramdam pag ako?...
Tinapos kona ang pagligo at nag bihis, bago lumabas ng shower room. Sinalubong naman ako ng mga tukmol kong kaibigan. "mall daw tayo sabi ni hazel!" ani ni kylo bago pumasok ng shower room. Tinapik pa ang balikat ko. Siya nalang ang hindi nakakaligo dahil siguro kasama niya pa sila hazel kanina. Pumunta ako sa locker ko at nilagay doon ang ibang gamit na nasa loob ng dapple bag ko.
Foundation day lang naman bukas dahil nga anniversary lang ng school at wala masyadong gagawin. Bukod sa pagtugtog at punonood lang ng mga kasama sa contest o naman. Meron din namang mga booths para siguro sa mga taga labas.
"nasan si felix?" tanong ko kay fred na nag aayos din ng mga gamit niya dahil kakatapos lang din maligo.
"sinamahan lang sila hazel sa canteen. Gutom daw eh" sagot nito na busy sa pag aayos ng gamit. Tumungo nalang ako at nilock na ang locker ko bago kinuha ang dapple bag ko. Sakto namang labas ni kylo mula sa showe room.
"hey, where are you going? hindi ka sasama sa mall?" takang tanong niya habang pinupunasan ang basang buhok. Naka white shirt nalang siya at naka maong na pantalon at itim na sapatos. Umiling lang ako bago sumagot! Aalis kame ng kapatid ko ngayun. Nakapangako nako! Sigurado akong nakanguso nayun ngayun dahil naiinip na.
"ilalabas ko din si faith eh" nag paalam muna ako bago umalis at dumiretsong parking. Bahagya pakong nagulat ng makita si kuya Ton na perteng nakasandal sa mamahalin niyang sasakyan. Tama si kuya ton.
Lalapit na sana ako ng makitang palabas na ng school si Ara kasama ang mga kaibigan niya.
Dali dali akong bumalik ng kotse at pinaharurot yun paalis.

BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
AcakNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...