Short UD lang to guys.... Gagamitin ko narin ang time nato para makapag thank you... Thank you sa 100 reads... Alam kong maliit pa pero syempre mag hihintay tayo hanggang maging mataas na hehehe.... Thank you ulit guyssss wabuuu all
ENJOY READING ;)
Mave's POV
Wait...What?
"Zhang..." pabulong na ani kylo na nasa tabi ko. Nagkatinginan pa kame na para bang parehas lang ang tumatakbo sa isip namin.
Pero imposible yon..... Ang pagkakaalam ko may kamag-anak nga silang naninirahan sa ibang bansa. Pero....Pero lalake yon... Babae si Arabella....
"Tsaka anong meron sa lady ella? HAHAHAHA" Tawa ng tawa si kylo habang ginagaya pa yung poker face ni Arabella kanina. "seriously? lady ella? ang baduy uy AHAHA" agad din siyang napatigil sa pag tawa ng makitang seryosong nakatingin sa kaniya yung kambal. Bahagya pa siyang umubo tsaka nag seryoso.
"Magsasabe ba kayo samin o ano?" Di nako nakapag pigil mag tanong. Ang gulo gulo na masyado. Parang ang daming nangyare ngayong araw.
"Psh. Ano bang gusto niyong malaman?" Nakangusong ani fred. "Hindi ba't alam niyu namang may pinsan kame sa ibang bansa?" tumungo kame agad. "Oh, yon naman pala e" sigaw niya pa samin. Sinamaan namin siya ni kylo ng tingin tsaka siya binatukan ni kylo.
"Ang tanga mo, naguulyanin ka naba?" Sigaw sa kaniya ni kylo. "Lalake....Lalake yung sinabe niyu saming kamag-anak niyung naninirahan sa ibang bansa. Bobo ka! Babae si Arabella. BABAE! B.A.B.A.E! BA-BA-E!" para na siyang nag rap sa bilis niyang magsalita.
"At isa pa, ang inaalam namin e, kung bakit kayo gumawa ng eksena kanina?. Bakit niyu ipinagtaganggol si Arabella?" malumanay na tanong ko.
Nagkatinginan pa ang dalawa bago takang tumingin samin. "yon na nga ang mismong sagot." Isa pang katangahan ng dalawang to itatanggi kona talagang kaibigan ko itong mga to.
"HOOO.... Ang hirap mag paliwanag kapag hindi gumagana yung utak ng kausap mo ano?" tanong saken ni kylo. "Anong koneksyon na may kamag-anak kayong lalake sa ibang bansa, sa ginawa niyung pagtatanggol kay Arabella? mga gunggong" halata na ang inis sa mukha ni kylo. Kahit gusto kong magseryoso hindi ko paden mapigilang matawa dahil sa itsura ni kylo. Ginatungan pako ng kambal kaya lalong nabanas ang itsura niya. "May nakakatawa ba?"
"Dahil pinsan namin si Ella?" nagtatakang sagot ni felix habang pinipigilan parin ang matawa. Pero agad akong napatigil sa pagtawa at sabay kaming napasinghap ni kylo dahil sa sagot niya.
P-pinsan?...Si Arabella? what the-
"Bakit hindi namin alam?" tanong ni kylo na nabibigla parin. Napatingin din ako sa kambal. Nag iintay ng sagot.
"Dahil hindi pwede" si felix ang sumagot sa tanong ni kylo. Bahagya pang nakanguso.
"E bakit hindi pwede?" pangungulit ni kylo.
Napabuntong hininga nalang si felix bago magsalita si fred. "Hindi naming pwedeng ipagsabe sa nakararami na siya ang kamag-anak naming naninirahan sa ibang bansa. Na babae siya at hindi lalake." Buntong hiningang paliwanag ni fred. "Ang mga matataas ang position dito sa school natin ay kilala siya sa pangalan, ngunit hindi sa mukha. Walang kahit anong litrato ang ipinapakita sa kanila upang matukoy na siya si Ella. Maliban nalang sa pangalan." Kibit balikat niyang sagot.
"Bakit itinatago pati mukha niya?" sa pag kakataong ito ako naman ang nagtanong.
Dahil iyon ang iniutos nila Uncle at kuya ton sa namamahala ng paaralang ito." Walang niisa ang nagsalita sa amin. Inabot pa ng mahabang katahimikan bago ako ulit makapag-salita.
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Hanggang Dulo (on going)
RandomNag mahal kana ba? Minahal kana ba? Nasaktan? Nagpakatanga? Paano kung yung pag mamahal na akala mo totoo ay isa lang palang malaking..... KASINUNGALINGAN?? :DISCLAIMER: LAHAT PO NG MABABANGGIT NA LUGAR, PANGALAN, PANGYAYARE, NAME OF COMPANY, ETC...