1

1.2K 17 3
                                    

"Stephanie naman! Ganon na lang ba ang lahat sa atin?"

Tangina kanina pa ako naririndi sa bosses ng lalaking ito, hindi ako makakain ng maayos dahil sa kaniya. Kitang-kita ko ang mga mata ng mga tao na nakatingin sa amin ngayon dito sa cafeteria. Minsan na nga lang kami kumain dito tapos sisirain lang ng lalaking ito!

"Steph, kausapin mo na nga 'yang bebe mo. Kanina pa 'yan lumuluhod sa'yo," mapang-asar na sabi ni Vianco sa akin.

Binalingan ko ng tingin si Vianco na nagsisimula na namang mang-asar sa 'kin. "Ulul! Never ko 'yang naging bebe ang isang ito." Tinuro pa itong lalaking ito na. Humalakhak pa ang mga kaibigan dahilan para asar ko silang tinigman isa-sa. Huminga na muna ako ng malalim bago ako bumaling sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. "Pwede ba? Umalis kana nga sa harapan ko. Lumuhod ka pa talaga. Anong tingin mo sa akin? Santo? Para luhuran mo? Tigilan mo ako, pwede ba."

Ilang oras na nga lang at matatapos na ang vacant namin dito, halos hindi pa nakakalahati ang pagkain ko dahil sa bigla na lang lumuhod ang lalaking ito. Inuubos niya ang oras ko dahil sa ginagawa niyang eksena. May paluhod-luhod pa siyang nalalaman sa harapan ko, imbes na sa pagkain ko, ako naka-focus. Napunta sa kaniya.

"Teh! Grabe ka naman kay Ben. Hinay-hinay lang sa pagsasalita, Teph.  Sinasaktan mo ang puso niya," sabi ni Clarice.

Ben pala ang name ng lalaki ito. Tama! Naalala ko na name niya. Ben nga pala pangalan niya at ang panget ah, boring pa. Bagay na bagay nga sa pangalan niya, nagrereflect sa mukha.

"Wala naman akong nagawang mali sayo, Stephanie. Kaya sige na bumalik kana sa 'kin, please." Hindi bagay sa kaniya ang paawa-awa effect niya.

Nakakadiri, putek!

Imbes na maawa ako ay nandidiri pa ako sa kaniya. Gusto talaga niya na masaktan pa.

"Pwede ba? Nagpapatawa ka ba? Alam mo ang unang rule ko, once na nakipag-relasyon ako, diba?" Sarcastic ang pagtatanong ko sa kaniya.

Natahimik naman siya. Nakakalimutan yata ng lalaking ito.

"Rule one. Ayoko ng boring sa relasyon pero ganon ka, kaya kailangan talaga kita hiwalayan. Ayoko naman na makipag-plastikan sa'yo kaya hiniwalayan na lang kita, hindi ko na rin kasalanan kung hindi ka maka move-on, kaya shoo! Nakakaabala kana." Sinenyasan ko pa siya na umalis.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa gilid ko, akala ko ay aalis na siya pero masama siyang nakatingin sa akin. Napataas tuloy ako ng kilay dahil sa itsura niya. Akala niya siguro gwapo siya sa ginagawa niya.

Putek! Kitang-kita ko ang eye bugs niya dahil sa ginagawa niya.

"Kakarmahin ka rin, Stephanie! Sana wala ng magmamahal sa'yo!" Tumalikod na rin siya pagkatapos niyang sabihin sa akin.

Napatingin lang ako sa lalaking 'yon na naglalakad papalayo sa pwesto namin. Napa-wow na lang ako sa lalaking 'yon, hindi ko akalain na may lahi palang nanunumpa ang lalaking 'yon. Natatawa na lang ako at bumalik ako ulit sa pagkain.

Lintek na lalaki 'yon, ah! Sinusumpa pa ang love life ko.

"Natatawa ka pa talaga 'no?" Napatingin ako kay Margaux na bigla-bigla na lamang nagsasalita.

"Bakit? Eh, nakakatawa ang lalaking 'yon." Tumawa pa ako. Nakakatawa naman kasi ang lalaking 'yon.

"Tanga. Tawa-tawa ka pa dyan, kahit na sinumpa kana na hindi kana magkakaroon ng seryosong relationship," sabi ni Clarice.

'Yon lang ba? Sumpa lang naman 'yon, hindi ko naman ikamamatay na hindi magkaroon ng seryosong relationship. Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot sa kanila.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon