16

489 13 0
                                    

Just In: Mr. Jeric Villa will speak about the spreading picture of them with the woman, who suspected a third party in the relationship of Mr. Jeric Villa and Mrs. Isabella Villa. Mr. Jeric will also speak about his relationship with the famous international model Ms. Isabella.

Dinig na dinig ko ang pagbabasa ni Clarice mula sa kaniyang cellphone. Apat na araw na simula nang kumalat ang mga larawang 'yon at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nila kung sino ang babaeng 'yon, sadyang hindi lang nila malaman na ako 'yon dahil bigla na lamang nawala ang mga larawan sa social media. Masaya ako na nawala ang mga lawaran dahil hindi nila malalaman na ako lalo na ang mga kaibigan ko. Ayoko na bumaba ang tingin nila kaya masaya ako na nawala ang article na 'yon.

Sa apat na araw na 'yon ay never na tumawag sa akin si Jeric, he never called na iniisip ko na baka hindi pa nakarating sa kaniya ang balitang 'yon pero nakarating na pala sa kaniya, at handa siya na magsalita. May parte sa akin na naiinis sa kaniya dahil hindi niya malang nagawang tyumawag sa akin at parang pakiramdam ko ay iniwan niya ako sa gitna nang isang gulo na dapat ay kaming dalawa, pero hindi eh. Hindi niya ako tinawagan o kinamusta kung okay lang ba o hindi but at the same time ay hindi ko rin naman siya pwede sisihin.

In the first place ay alam kong may asawa siya, tapos hinayaan ko siya na makalapit sa akin. 

"Stephanie," rinig kong tawag sa'kin ni Manager Janice.

Tumingin ako kay Manager Janice na kababalik lang dito sa department.

"Bakit po?"

"Pinapatawag ka ni Sir sa office niya, now na," sagot ni Manger Janice.

Tumango ako at tsaka ako naglakad papalabas ng department. Ano kayang kailangan ni Demsol sa akin? Lumabas na ako sa elevator pagkabukas nito at nakit ko si Irish na busy sa computer.

"Pasok na ako, Irish," sabi ko sa kaniya.

Hindi niya ako binalingan at tumango na lang siya sa'kin. Hindi talaga maaabala si Irish pagdating sa trabaho niya. Kumatok na muna ako bago ako tuluyang pumasok sa office ni Demsol. 

"Pinapatawag mo raw po ako, Sir," bungad na sabi ko dahilan para maagaw ko ang attention niya sa pinabasa niya.

"Cut that Sir, Stephanie," sabi niya na ikatango ko naman. "Have a seat." Tinuro niya pa ang upuan na nasa unahan niya.

Sumunod naman ako at umupo.

"So, bakit mo nga ako pinatawag?" tanong ko sa kaniya.

"You're dating again with Jeric."

Tumango ako sa sinabi niya. "Yeah, we're dating." 

Napangisi siya nang malaman na totoo ang sinabi niya. "Why? I mean, you said that you will never let that happen that if you two meet again. What happened? Why does the wind seem to blow differently?"

Mahina akong natawa, hindi dahil sa sinabi ni Demsol kung hindi sa sarili ko. Kinain ko lang ang sinabi ko sa kaniya na kahit kailan ay hindi ko hahayaan na magkaroon ulit kami nang ugnayan na dalawa.

"Hindi ko alam..." Nagkibit balikat pa ako. "Nangyari na lang bigla. Baka ang tadhana na ang gumawa nang paraan upang magtagpo ulit kaming dalawa. at mangyari 'to."

Sounds corny, pero naniniwala naman ako doon. Hindi naman kasi masamang maniwala doon.

"You believe that, huh?" nakangising niyang saad.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala? Malay mo naman gumagawa na nang paraan ang tadhana na magbalikan kayo ng international mong girlfriend."

"That's never happened, Stephanie."

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon