25

253 6 6
                                    

Narinig ba niya? I hope he is not, dahil baka maguluhan lang siya sa narinig niya lalo na at hindi siya nakakaalala pa.

Nakita ko siya na ngumiti sa akin at binuka niya ang kanyang mga kamay para ayain akong yumakap sa kanya. Ngumiti rin ako at tumakbo papunta sa kanya na agad naman akong yumakap sa kanya.

I didn't expect na totoohanin niya nga ang sinasabi niya na susundan niya ako dito, pero paano niya nalaman ang kung nasaan ako kung hindi ko naman binanggit sa kanya ang lugar namin.

"I miss you, love," he whispered to me while he touched my hair.

Napangiti ako at kumalas sa yakap niya. "Paano mo pala nalaman? Hindi ko naman sinabi sa'yo."

"I came here with our friends, of course," sagot niya, kaya napatingin ako sa bahay namin.

Kaya naman pala ang daming nakatingin sa bahay namin ngayon dahil may mga gwapo silang nakita na naman.

"Can we go inside? I want to meet your parents." He combs my hair using his hands while saying something to me. "I know that It's too late to meet your father, but I want to meet him."

"Ha? Huwag na," mabilis na tugon ko sa gusto niya.

Hindi naman sa ayaw kong makilala niya sina Mama at Papa pero kasi baka magulat si Mama once na makita siya.

I saw how he is confused right now.

"Why?"

"Eh, kasi kilala ka ni Mama, tapos alam pa niya na may asawa ka. Baka kasi magulat si Mama, once na makita ka," sagot ko at lahat nang 'yon ay totoo.

May alam kasi Mama sa nangyari sa amin lalo na ubod ng pagmamalaki ni Isabella na siya ang pinakasalan ni Jeric, kaya alam ni Mama na asawa niya si Isabella at alam rin ni Mama na matagal na kaming naghiwalay na dalawa.

Isa pa ayaw ni Mama sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Dati naman ay gusto ni Mama sa kanya lalo na ng malaman ni Mama na mayaman si Jeric, pero bigla na lang nag-iba. Gustong-gusto na ni Mama na hiwalayan ko na si Jeric noon dahil ayaw na ayaw niya nga dito.

"I understand, maybe some other time," he understood.

"Hm? Gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya, baka kasi gutom na siya lalo na at mahaba ang byahe nila makapunta lang dito.

"A little bit, but I can manage," he said.

"Tara, doon tayo sa kwarto ko. Doon ka muna hangga't maraming tao dahil alam mo naman kilala ka nila," sabi ko at hinawakan ko siya sa kamay.

Hinila ko papunta sa likod bahay kung saan may daan doon papuntang kwarto ko na hindi kami mapansin na nakapasok na sa loob. Nakita ko pa sina Jester na kausap ngayon si Mama at pati na rin si Jennie na ubod dikit kay Hendrix na akala mo ay linta, kung makadikit.

Umakyat na kami sa taas at binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko upang doon na muna siya mag-stay lalo na at walang alam si Mama na narito siya.

"Dito ka muna, ah. Dadalhan na lang kita ng makakain mo," sabi ko sa kanya na agad naman siyang tumango.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nilock ang pinto ng kwarto ko upang walang pumasok lalo na at nandoon si Jeric. Bumaba muli ako na parang walang nangyari at agad na pumunta sa direction nila Mama.

"Oh, narito na pala si Steph," sabi ng pinsan ni Mama na ang ganda ng ngiti sa akin na para bang hindi ako inaway kanina.

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang ako sa mga bisita ko.

"Hindi niyo naman sinabi na darating pala kayo," sabi ko sa kanila.

"It's a surprise, Steph," sagot sa akin ni Jester.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon