8

487 12 1
                                    

I froze. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napapalunok ngayon, buti na nga lang at nakatalikod ako sa kaniya at hindi niya 'yon makikita pa. Nanlalamig na ang kamay ko at hindi ko magawang makaharap sa kaniya. Kaya ba kanina pa siya nakatingin sa 'kin dahil inaalala niya kung naamoy na niya noon ang pabango na ginagamit ko.

"Uy! Stephanie, bakit nakatayo ka lang dyan?"

Napakurap ako at napatingin kay Clarice na naglalakad papunta sa direction ko, hindi pa niya napapansin si Mr. Villa na nasa likuran ko ngayon dahil malayo siya sa pwesto namin. Napansin niya rin si Mr. Villa ng makalapit na siya sa pwesto ko. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Mr. Villa.

"Nandyan po pala kayo, Sir," sabi ni Clarice at nagtataka siya kung bakit magkasama kaming dalawa ni Mr. Villa.

"Yeah, pabalik na ako sa office ni Demsol," Mr. Villa said at tumalikod na siya sa amin.

"Sir, doon po ang daan para makapunta sa office."

Napatigil sa paglalakad at lumingon sa aming dalawa ni Clarice. Mapang-asar ko siyang tinignan dahil halata sa kaniya na napahiya siya. Tinuro pa ni Clarice ang elevator na nasa kabilang side namin at hindi maalis ang pagtataka sa kaniyang mukha, mas lalo pa itong nagtaka dahil sa maling sinabi ni Mr. Villa.

"Ow! Yes!" Tumawa pa siya pero pilit lang, upang hindi mahalata na napahiya siya at naglakad siya.

Nilagpasan niya na kaming dalawa ni Clarice upang pumunta na sa office ni Demsol. Hinabol ko lang siya ng tingin at ngumiti ako dahil sa kung ano-ano ang pinagsasabi niya. 

"Anong nginingiti mo dyan?" rinig kong tanong ni Clarice. 

Nakatingin na pala siya sa 'kin ng hindi ko namamalayan.

Tumingin ako sa kaniya at tumikhim pa ako upang mawala ang ngiti sa labi ko.

"Tara, balik na tayo, girl," aya ko kay Clarice. 

Pinulupot ko pa ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming naglakad na dalawa pabalik sa department. Bumalik na ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko, ilang oras na lang naman ay mag-uuwian na. I shuted down my computer, natapos ko na ang ginagawa ko at uwian na rin.

"Naghihintay na si Irish sa baba, kaya bilisan mo na dyan, Clarice," sabi ni Vianco na atat ng umuwi ng apartment.

"Chill, Vianco, akala mo naman hindi ka makakauwi," laban ni Clarice.

Mukhang mag-aaway pa ang dalawang ito sa harapan ko. 

"Oh? Baka magsapakan na kayong dalawa dyan. Chill ka lang kasi Vianco, kanina pa kita napapansin na ang init mo," sabi ko at lumingon pa ako sa kaniya.

Tumingin rin siya sa 'kin habang nakaawang kaniyang bibig, umiwas rin agad siya at tumalikod na lang siya bigla. Ang weird talaga ng baklang 'yon. Hindi naman siya mukhang stress o problemado, hiniwalayan siya siguro ng bebe niya kaya ganon na lang siya kumilos.

"Alam mo ang weird ni Vianco today, nangyari do'n?" bulog na sabi ni Clarice.

"I don't know, baka naghiwalay sila ng bebe niya."

Nagsimula na kaming maglakad na dalawa ni Clarice upang sundan si Vianco. Nauna na talaga si Vianco dahil pagdating namin sa labas ay magkasama na silang dalawa ni Irish at nag-uusap na dalawa. Sumakay na kami ng taxi na pinatawag ni Irish kanina pa.

"How about Margaux? Nakauwi na ba siya?" tanong ni Vianco at ang boses niya ay hindi na pambabae kung hindi boses panlalaki talaga. 

Napatingin ako sa kaniya dahil sa familiar ang boses niya. 'Yon ba ang totoo niyang boses? 'Yung boses na 'yon ay para bang narinig ko na noon pa.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon