26

138 3 0
                                    

Magkasabay kaming napalingon ni Jeric at napatayo pa ako mula sa pagkakaupo ko. Kitang-kita ko ang gulat na gulat na itsura ni Mama sa aming dalawa ni Jeric.

"Ano... Mama, magpapaliwanag ako." Agad akong lumapit kay Mama.

Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag kay Mama ang lahat-lahat.

"Magpaliwanag ka! Hindi ako nagpalaki ng anak para lang maging kabit!" sigaw ni Mama sa akin at halos ipamukha niya na sa akin na isa akong kabit.

"Excuse me po, but Stephanie is not my mistress." Si Jeric at agad na tinago ako sa likod niya.

"Anong hindi?! Eh, diba may asawa ka na? Kaya nong tawag mo kay Stephanie kung ganon," sabi ni Mama at tinuro-turo pa si Jeric.

"Hiwalay na po kami, Ma'am," pagpapaliwanag pa ni Jeric.

"Anong hiwalay?! Bakit, ah?! Dahil kay Stephanie kaya ka nakipaghiwalay sa asawa mo, ah. At ikaw Stephanie! Alam mong may asawang tao 'to, diba?! Anong ginagawa mo?!"

Kitang-kita ko kung papaano magalit si Mama ngayon sa harapan naming dalawa. Bakit kasi hindi ko naisip na pwedeng pumunta dito sa likod bahay si Mama? Hindi sana nagka ganito.

"Ma'am like what I—"

Naputol ang sinasabi ni Jeric nang humawak ako sa kamay niya, upang tumigil na. Kahit na anong sabihin niya kay Mama ay hindi naman ito maniniwala, lalo na kung alam ni Mama ang lahat.

"Umalis ka na muna, Jeric," sabi ko, habang nakatingin sa kanya. "Ako nang kakausap kay Mama, please?" paki-usap ko pa.

"But..."

"Please, kaya ko na 'to," I assured him na kaya kong ipaliwanag lahat kay Mama.

Ilang sandali pa ay pumayag naman siya at nagawa pa niyang magpaaalam kay Mama, kahit na kaunti na lamang ay pwede na syang saktan nito. Lumingon pa siya ulit sa direction ko at tanging ngiti lang ang binigay ko sa kanya, bago siya tuloy mawala sa eksena at kaming dalawa na lamang ni Mama ang nandito.

"Bakit mo 'yon pinaalis, ah?! Ayaw mo ba na may masabi akong hindi maganda sa kanya?" sabi ni Mama at halata dito na kaya nyang sabihin lahat kay Jeric ang alam niya.

"Ma, alam mo kung anong condition niya. Kaya bakit mo sasabihin?"

"Ikaw na tanga ka." Napapikit ako ng itulak ni Mama ang noo ko gamit ang kanyang daliri. "Hindi mo ba naisip na baka wala talagang sakit ang lalaking 'yon, ah? Sadyang hindi ka na no'n mahal dahil mas mahal no'n ay yung Isabella. Hanggang ngayon pa rin ba ay umaasa ka pa rin na magbabalikan pa kayo, Stephanie?"

"We did, Ma. Nagbalikan na kami," sabi ko dito.

"Nagbalikan nga kayo pero ano? Isa kang kabit. Kaya ba ayaw mo na nalandi si Demsol ay dahil mas gusto ko na maging kabit. Kung 'yun naman pala ang gusto mo ay sana doon ka na lang sa mas mayaman nang sa gano'n ay may silbi pa."

"Hindi ako ganong uri ng babae, Ma. Hiwalay na sila ni Isabella, kaya hindi ako kabit katulad ng sinasabi mo sa akin," paglilinaw ko pa ulit kay Mama na baka sakali na maintindihan niya.

"Hindi, Stephanie." Umiling-iling pa si Mama sa harapan ko. "Isa kang kabit, pinag-aral ka namin para gumanda ang buhay mo at hindi maging isang kabit ng lalaking 'yon. Sisirain lang no'n ulit ang buhay mo! Katulad noon, kaya mag-isip ka Stephanie. Huwag puro puso ang pinapairal mo!" sigaw pa ulit ni Mama sa akin.

"Ano po bang mali na balikan siya?" tanong ko at nagsisimula na akong umiyak sa harapan ni Mama.

"Ayaw niyo po ba na makita akong masaya, Mama? Alam niyo kung anong pinagdadaanan ko nitong mga nakaraang taon. Kaya bakit ba ayaw na ayaw niyo na maging masaya ako kasama yung lalaking mahal ko," sabi ko at sinusubukan ko ang sarili ko na huwag pumiyok sa harapan ni Mama.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon