14

479 14 1
                                    

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga salitang 'yon. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at napatingin pa siya sa ibang direction na para bang iniisip niya kung totoo ba ang sinabi ko sa kaniya. Nakangiti ako na napailing sa kaniya. Kinikilig ang isang ito, kaya tumitingin sa ibang direction.

"Wait... Are you saying that you will let me court you?" he asked me.

"Baka naman hindi ka na niyan makatulog kakatanong mo niyan," natutuwang sambit ko sa kaniya.

Hindi pa rin ba nagsi-sink-in sa utak niya ang sinabi ko? Shock yarn?

"You're wrong, Love. I sleep peacefully because of that," nakangisi siyang sabi.

"Maka-peacefully ka, mamaya niyan ma-peacefully ka talaga sa pagtulog mo." Ngumisi rin ako sa kaniya.

Loko-loko ka, ah.

"But thank you, Love." Inabot niya pa ang kaliwa kong kamay at tsaka niya 'yon hinawakan at nilapit papalapit sa labi niya.

Hinalikan niya ang ilalim nang palad ko habang nakatingin pa rin sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya at niyaya ko na siya na ituloy na niya ang pagkain dahil kailangan na rin namin na makauwi, lumalalim na rin kasi ang gabi at alam ko na may trabaho pa siya bukas.

Huminto ang kotse niya sa harapan nang apartment namin. Nag-paalam na rin ako sa kaniya at gano'n rin siya, naglakad ako upang makarating na sa room namin at bumungad sa'kin ang madilim na paligid. Nakapatay na kasi ang mga ilaw at tulog na sa sofa bed si Vianco, kinuha ko ang cellphone ko at tsaka ko binuksan ang flashlight para hindi ko na kailangan na buksan ang ilaw dito at baka umangal pa si Bakla.

Dahan-dahan lang ako naglakad upang hindi ako makagawa ng ingay at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kwarto. Nagulat ako nang makita ko na gising pa pala si Clarice at may kausap siya mula sa cellphone niya.

"Yes, anak. Uuwi si Mommy sa katapusan then we will go to enchated kingdom... Gusto mo 'yon, right?" 

Nakangiti pa si Clarice habang kinakausap niya ang kaniyang anak, hindi niya pa rin ako napapansin dahil nakatalikod siya sa'kin. Sinarado ko na lang ang pinto at tsaka ako lumapit sa cabinet upang kumuha nang damit na ipapalit sa suot ko.

"Nand'yan ka na pala," rinig kong wika ni Clarice.

Napalingon ako sa kaniya habang sinasarado ko ang cabinet. Nasa tenga niya pa rin ang cellphone niya, hindi pa rin sila tapos mag-usap ng anak niya.

"Oo, huwag mo akong intindihin, mhie. Mag-usap lang kayo ng junakis mo," saad ko.

Isang beses lang namin nakita ang anak niya at masasabi ko na ang cute niya, may chubby cheeks kasi siya tapos yung hair niya may pagkakulot rin at yung mata naman niya ay brown na hindi katulad sa kulay ng mata ni Clarice. 'Yung pisngi talaga ng anak ni Clarice ang gustong-gusto kong hawakan. Mahiyain rin 'yung bata pero amoy expensive naman kasi alagang-alaga ng magulang ni Clarice. Mayaman kasi ang pamilya ni Clarice, kilala nga 'yung clothing brand na pagmamay-ari ng Mommy ni Clarice. Hindi naman alam kung bakit kinailangan pa ni Clarice na magtrabaho sa company ni Demsol gayong may sarili naman sila. Ang sinabi lang ni Clarice ay hindi sila okay ng pamilya niya the rest history na. Bawal ng malaman kasi hindi rin namin alam.

"Si Tita Stephanie ang kausap ko anak," sabi ni Clarice.

Nilagpasan ko si Clarice upang makapunta ako sa banyo at nang makapagpalit na ako ng damit, gusto ko na kasi matulog. I just washed my face at tsaka ako lumabas na ng banyo. Naabutan ko si Clarice na inaayos niya ang table niya, hindi niya na rin kausap ang anak niya dahil nakalapag na ang cellphone niya sa table.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon