10

407 9 1
                                    

"Schoolmates pala kayo ni Vianco."

Napatango ako habang nakatingin sa pasta na inorder ko para sa araw na ito. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa university na pinasukan namin parehas ni Vianco.

"Ngayon niyo lang ba nalaman?" tanong ko.

"Yes po, pala secret kasi kayo ni Vianco," tugon ni Clarice.

"Si Vianco 'yon at hindi ako," pagtatama ko.

Mas marami namang secrets si Vianco kesa sa 'kin. Mga ilan lang naman ang secrets na meron ako kaya mas lamang pa si Vianco.

"Same rin pala kayo ni Sir ng university. Sa FU kasi nagtapos si Sir Demsol," sabi ni Irish.

"Alam ko."

"FU? You mean... Fernandez University?" paglilinaw ni Clarice.

"Oo. Fernandez University. Sikat na university 'yon dito sa Manila," sabi ni Irish sa kaniya.

"Kung ganon pala ang saya ng college life mo, Stephanie, dahil nakikita mo na si Densol mylabs noon pa man," sabi ni Margaux.

"Ha? Sa'yo lang si Sir, don't worry," natatawang sabi ko kay Margaux.

Kahit na hindi ko 'yon makita ay masaya pa rin ang college life ko. Si Margaux talaga.

"Masaya bang mag-aral doon?" naku-curious na tanong ni Irish sa 'kin.

"Masaya naman kaso nakaka-pressure nga lang."

Nakakapressure talaga ang mag-aaral doon lalo na kung may prof kang mahigpit na handa kang bigyan nang singko sa grade or worst baka ibagsak ka pa.

"May kilala ka bang..."

Sumulyap ako kay Clarice dahil may gusto siyang itanong sa 'kin kaso huminto siya. Nakita ko na nahihirapan siyang bigkasin kung ano ang itatanong niya.

"May kilalang?"

"Nevermind." Umiling pa siya at sumipsip siya nang mango juice niya. 

Tumango na lang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakikipag-usap pa rin sa kanila. May invitation na kaming dalawa ni Vianco. Pagka-uwi ko nang apartment namin ay may binigay sa akin si Aling Mary, ang may-ari ng apartment na tinutuluyan namin. Ako ang kumuha nang invitation dahil nauna akong umuwi sa kanila. Pagkatapos kong umalis nang bar ni Mr. Villa ay umuwi na lang ako, tutal naman ay alam ni Demsol. Sounds like unprofessional dahil hindi ako bumalik sa company, kaya ng pumasok ako the next day ay kinausap ko si Demsol na hindi na ako nakabalik nang company, pwede naman niyang bawasan ang sweldo ko but he said that's okay. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Demsol at hinayaan ko na lang siya.

Now. Umalis si Vianco upang kunin nga ang susuotin namin para sa kasal ni Jade at Arthur. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman ang size, pagtalaga hindi nagkasya sa'kin 'yon, hindi na ako pupunta. Sina Jade at Arthur kasi ang sumagot sa lahat ng susuotin nang mga bisita nila sa kasal. Rich kid talaga ang dalawang 'yon.

Bumalik na rin kami pagkatapos namin mag-stay sa cafeteria dito sa company, may mga naiwan pa kasi kami na gagawin sa department. Bumalik na ako sa table ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko kanina bago pa kami makapag-break. 

Ilang linggo na rin ang huling kita naming dalawa ni Mr. Villa. Nagte-text siya pero inignore ko na lang maski ang tawag niya ay hindi ko rin sinasagot, saka ko lang nalaman na pumunta siya nang Canada dahil may ka-business meeting siya doon, nalaman ko'yon mula kay Demsol na hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa'kin.

Ano naman ang gagawin ko? Minsan talaga abnormal ang isang 'yon.

"Ang ganda at mukhang mamahalin pa ang susuotin niyo sa kasal." Hindi matago sa mukha ni Irish ang pagkamangha nang makita nila ang dress at suit na dala-dala ni Vianco.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon