7

441 18 1
                                    

"Ilang beses kang nagdasal, Margaux? Kaya natupad ang hinihiling mo na mapansin kana ni Sir?"

Natatawa na lang ako dito habang umiinom ng lemon juices na binili ko. Sa wakas kilala na siya ni Demsol, kaya naman pala panay ang alis nito dahil pumupunta siya sa bahay ni Demsol. Kinukwento na niya ngayon na doon siya nanggaling at 'yung ngiti pa ni Margaux ay abot hanggang tenga. Masaya 'yan? Dreame come true niya na makilala siya ni Demsol at heto nga kilala na siya.

"Prayer reveal nga, Margaux. Baka magamit ko 'yan someday," biro na sabi ni Clarice.

"Hindi prayer ang ginagawa ni Margaux. Araw-araw kaya siyang naghuhulog ng piso sa whising well tuwing umaalis tayo," sabi ko.

Humalakhak naman kami habang si Margaux ay panay ang tingin sa orange fruits na nakalagay sa basket. Pupunta kasi siya sa bahay ni Demsol na ngayon ay hindi pumasok dahil sa nanyari kay Demsol. Nabugbog lang naman si Demsol at si Margaux ang nakakita, kaya siya ang nagdala sa hospital. Himala nga at pinayagan siya ni Demsol na pumunta sa bahay nito. Kilala ko si Demsol, hindi nagpapasok ng ibang tao sa bahay niya unless kaibigan ka niya o pamilya.

"Alis na ako, ah. Baka mamaya naghihintay na siya sa 'kin."

Napalakas ang tawanan namin dahil sa sinabi ni Margaux. Ang lakas ng fighting spirit ni Margaux. Hindi niya pinansin ang tawanan naming tatlo dito at umalis na upang pumunta sa bahay ni Demsol. Natupad na ang hinihiling niya sa whising well at nakilala na rin sia ni Demsol. Masaya ako para kay Margaux dahil hindi na suntok sa buwan ang makilala siya ni Demsol, malayang-malaya na nga siyang nakakpasok sa bahay ni Demsol.

"Patay na patay talaga siya kay Sir," natatawang sabi ni Clarice.

"Hayaan niyo na. Masayang-masaya naman si Margaux na nakilala na siya ni Sir," sabi ni Vianco at uminom pa ito ng coffee niya.

Napakunot noo ako dahil sa tono ng boses ni Vianco at sa itsura niya ngayon, hindi katulad noong nakilala kong Vianco na energetic at walang halong pagka-bitter ang tono ng boses niya. Masaya ba talaga 'to para kay Margaux? Bakit parang hindi naman? Iniling ko na lang ang ulo ko at kung ano-ano na lang ang napapansin ko. Impossible naman kasi na may gusto ang isang ito, mas babae pa nga siya kesa kay Margaux.

"Tara na bumalik na tayo sa company," aya ni Clarice.

Pinunasan ko na muna ng tissue ang bibig ko bago ako tumayo at ganon rin silang dalawa. Hindi namin kasabay si Irish dahil busy ang isang iyon. Siya kasi ang sumasalo sa gawain ni Demsol dahil nga absent ito ngayon. Naglakad na kami papalayo sa Heaven coffee upang makabalik na sa company. Malapit ng matapos ang oras ng break time. 

Sumakay na kami ng elevator at nagtatawanan pa kaming dalawa ni Clarice dahil sa kung ano-ano ang sinasabi naming dalawa, may mga kasabay rin kami sa elevator. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na kami at pumasok sa department namin. Nagsisipapasukan pa lang ang iba galing sa break time.

"Narinig niyo ba na may papalit muna kay Sir?" rinig kong sabi ng isa sa mga kasamahan namin dito sa department.

"Oo, narinig ko nga at ang sabi ang hot daw, girl!"

"Hindi lang hot, masarap pa!"

Napangiwi ako sa naririnig ko ngayon. Hindi lang ako ang nakarinig no'n pati rin sila Clarice at ang iba pa. Hot? Masarap? Ulam ba ang tinutukoy nila at hindi tao. Mga bitin yata sa break time ang dalawang ito.

"Hoy! Ako lang ang hot dito, kaya huwag niyo akong pinag-uusapan dyan!" hirit ni Joshua na ikatawa naming lahat.

Lakas talaga ng loob ng isang ito.

"Ang kapal ng mukha mo, Josh! Niwala ka pa nga sa dumi ng kuko ni Sir Demsol," sabi ni Faye.

"Ay! Wow, ah! Kaya pala patay na patay ka sa 'kin, Faye." Sabay kindat nito ka Faye.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon