6

457 11 1
                                    

"Hey, are you okay?"

Napabalik ako sa sarili ko. Napapikit pa ako habang iniling ko ang ulo ko. Bakit ang tagal kong nakatitig sa mukha niya? This is not me. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko, agad ako ng dumistansya sa kaniya dahilan para makawala ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"I-I'm okay..." 

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. Bakit ba ako nauutal sa harapan niya? Hindi naman ako nauutal noon, ngayon lang talaga.

"Are you sure?" paniniguradong tanong niya.

Ngumit ako. "Yeah, okay ako. Hindi naman ako tumama sa kotse mo."

Napabuntong hininga siya at napapikit. Kitang-kita ko ang perpektong ukit ng adam's apple niya dahil sa pagkatinga niya. Kinabahan ba siya o natakot na baka tumama ako sa kotse niya.

Dumilat siya at tumingin uli sa 'kin.

"I'm sorry, I didn't notice anyone crossing, I was really in a hurry, I didn't know anyone had crossed," he said.

Napatingin ako sa suot niya at mukhang may kailangan talaga siyang puntahan kaya siguro hindi niya napansin na tumawid yung dalawang bata. Naka-business attaire siya ngayon, malinis na malinis at wala kang makikitang kahit maliit na lukot sa suot-suot niya.

"Next time, huwag ka namang masyadong mabilis kung magpatakbo. Paano na lang kung natamaan mo talaga ako? Sagutin mo ba ang pang-hospital ko, ah?" 

Hindi ko alam kng bakit bigla na lang ako nag-sungit sa harapan niya. Nakita ko na nabigla siya sa inaasal ko. Napakagat labi na lang din ako dahil maski ako ay hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nagsungit sa harapan niya.

"I'm sorry if you feel something pain or bad in your body. Just tell me and I can take you to the hospital, don't worry I will pay," he said at pansin ko na nagpapanic ang boses niya.

"I'm okay don't worry," sabi ko.

Tinalikuran ko na siya upang puntahan 'yung dalawang bata. Naglakad ako papalapit sa dalawang bata na nasa gilid ng kalsada.

"Okay lang ba kayo? Nasaktan ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa dalawa.

Baka kasi nagkaroon sila ng sugat ng itulak ko sila, hindi ko alam kung napalakas ang pagkatulak ko sa dalawang bata upang hindi sila masagasaan ni Mr. Villa... Jeric Villa.

"Okay lang po ako— Alice?!"

Agad ko namang sinalo si Alice ng bigla na laman ito nahimatay. Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Alice upang gumising at nagsimula ng umiyak ang ate niya sa gilid ko. 

"Alice, gumising ka." 

Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Alice pero hindi siya gumising. Kitang-kita ko na maputla ang labi niya. Nabigla siya nanyari kaya nahimitay siya.

"Alice, gumising ka, Alice!" umiiyak na sabi at niyugyog niya pa si Alice.

"Dadalhin natin sa hospital ang kapatid mo."

Tumayo ako at tsaka ko binuhat si Alice. Naglakad ako upang maghanap ng masasakyan papunta sa hospital pero bago pa man ako makahanap ay may pumigil sa 'kin at hinawakan pa ang braso ko.

"Wait, just get on and I'll take you to the hospital," wika niya.

Napatingin ako sa kaniya. Hindi pa rin pala siya umaalis kung ganon, diba ang sabi niya may pupuntahan pa siya? Kaya bakit nandito pa rin siya hanggang ngayon?

"Please?"

Napakurap pa ako at tumingin kay Alice na nasa bisig ko ngayon. Wala pa rin siyang malay. Tumango na lamang ako at kinuha niya sa 'kin si Alice at siya na mismo ang nagbuhat sa bata. Hindi niya inisip na madudumihan ang suot-suot niya dahil sa maduming damit ni Alice.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon