4

516 14 0
                                    

Nagising na lang ako ng maramdaman ko may yumakap mula sa likuran ko at sumisiksik pa ang kaniyang ulo sa likuran ko. I froze, hindi ako makagalaw sa yakap niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakatitig sa lalaking katabi ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap niya sa 'kin. Lumingon ako at hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya.

"Anong oras na ba?" 

Hinanap ko ang suot ko na hinuban niya sa 'kin kanina. Nakita ko ang suot kong crop top na punit na dahil sa ginawa niya. Kinuha ko na lang ang t-shirt niya na kulay puti na nasa lapag kesa naman lumabas ako dito na nakabra lang. Sinuot ko na rin ang heels ko, nakita ko ang relo niya kaya tinignan ko 'yon para malaman kung anog oras na. It's 3:00 am na, madaling araw na pala tapos nandito pa rin ako.

"Lagot, baka mamaya hinahanap na ako nila Vianco."

Dali-dali akong bumaba sa kama at tinali ko muna ang buhok ko na nakalugay kanina. Dahan-dahan akong naglakad upang hindi ko magising siya. Hindi ako gumawa ng ingay ng maisarado ko ang pintuan at tsaka ako naglakad pababa. 

Wala na akong nakita na tao, hindi katulad kanina na halos mapuno ang bar na ito. Wala na rin ang malakas na musika at tanging mga empleyado na lamang ang nandito. Nagpupunas sila ng table at nagliligpit na rin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad upang makaalis na dito, hindi naman nila ako mapapansin dahil busy sila sa ginagawa nila. Nang makalabas na ako ng bar ay naghanap agad ako ng taxi na masasakyan papunta sa aparment. Pumara ako at sinabi ko kung saan ako ibaba ni Manong.

"Nagawa ko ba talaga 'yon?" tanong ko sa sarili ko at humawak pa ako sa labi ko.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para gawin 'yon. Kasalanan 'to ng alak! Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at bumigay ako sa lalaking 'yon. Napasapo na lang ako sa ulo ko at iniiling ko pa ang ulo ko upang mawala sa isipan ko ang tagpo na 'yon. 

Nakauwi na ako sa apartment at dahan-dahan kong binuksan ang pinto upang hindi ako makagawa ng ingay na magiging dahilan para magising sila. Dahan-dahan kong hinuban ang heels ko at tsaka ako naglakad ng dahan-dahan dahil nasa sala natutulog si Vianco. Rinig na rinig ko ang hilik ng baklang ito, buti na lang talaga at hindi aabot hanggang sa labas. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at bumungad sa 'kin sina Clarice, Margaux at Irish na mahimbing na natutulog, naglakad ako papalapit sa cabinet upang kumuha ng damit na pantulog. May pasok pa kami mamaya, sana lang talaga hindi ako malate na magising.

Humiga na ako sa malambot na kama na katabi si Clarice. Inayos ko ang pagkakakumot sa katawan ko at tsaka ako tumagilid kay Clarice. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang kalimutan 'yon. Nawala na, eh, wala na akong magagawa pero bakit pa sa kaniya? Bakit pa sa taong alam kong may... asawa na.

"Sana lang hindi niya ako nakilala."

Lasing naman siya kaya siguro na hindi niya na ako nakilala at isa pa hindi naman gaanong nakabukas ang ilaw doon sa kwarto ng gawin... Basta 'yon na 'yon, goodnight... ay! morning pala dahil madaling araw na naman.

"Good morning mga fresh!"

Bumaling silang apat sa 'kin na tahimik na nag-aalmusal ngayon sa bilog na mesa. Nakangiti akong naglakad sa pwesto ko upang makapagkape na ako. Kakatapos ko lang na makapa-shower kaya mag-aalmusal na ako katulad ng ginagawa nila ngayon.

"Paki-abot naman ng dairy cream, Irish," paki-usap ko kay Irish dahil mas malapit sa kaniyang yung palaman. 

Inabot sa 'kin ni Irish 'yung dairy cream na pinapaabot ko sa kaniya. Sinumulan kong lagyan ng palaman ang tinapay na hawak-hawak ko, pagkatapos ko kasing magtimpla ng kape ay kumuha ako ng tinapay at nilalagayan ko ngayon ng palaman.

CEO series #2 : CEO's Precious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon