Chapty 12:

867 36 3
                                    

CHAPTER 12:

Third Person's POV

Naghahanda na ang lahat para sa darating na Foundation Day bukas.

"Veg. Kumuha kanga ng Pako diyan." Utos ni Marji,ang boyish niyang kaklase. Inabot naman niya ito pero 'di paman nakakaupo ay inutusan nanaman siya ng isa niya pang kaklase.

"Ashurot 'san na 'yung coke?"

"Ay oo ito oh."

"Veg isa pang pako dali!" Nagpahid ng pawis sa noo si Veg at kinuha na ang buong lalagyanan ng pako para ibigay sakaniya nang 'di na 'to mag-utos pa.

"Grabe pala ang sakripisyo ng pagiging katulong," Sa isip-isip niya.

"Aight! Guys break muna. After 30 minutes dapat nandito na!" Sabi ng president nilang si Jane.

Kaniya-kaniya naman ang alis ng mga kaklase niya.

Samantala,naglalakad si Max habang magkasalubong ang mga kilay dahil sa inis sa susuotin niya bukas. Pano banaman isang Brown Cat Costume na sinamahan pa ng Cat Hairband na kulay Brown din. Paniguradong magmumukha siyang bakla.

Napatingin naman siya sa bandang gilid dahil sa may naaninag siyang pamilyar na tao. At hindi nga siya nagkakamali. Si Veg ang nakita niya pero nang mapatingin din si Veg sa kaniya ay natakot ito dahil sa magkasalubong na kilay ni Max. Naisip niyang baka magkakatotoo na 'yung napanaginipan niya.

Naglakad naman si Max sa Direksyon ni Veg. Naisip niya kasing badtripin ulit 'to para kahit papano ay mawala 'yung pagkainis niya sa Costume na susuotin niya. Pero hindi paman siya nakakalapit ay agad tumakbo si Veg.

Hingal na hingal na sinara ni Veg ang Janitor's Room sa buong pag-aakalang sinundan siya ni Max. Naupo siya sa isang Monobloc chair na nakakalat lang sa kwarto.

Hindi paman nakakatagal ay nakarinig siya ng nagbagsakang gamit sa loob ng Janitor's Room. Kasunod ay ang mahinang ungol ngunit malaki ang boses. Agad namang binalutan ng takot si Veg. Narinig niya na ang boses na 'to pero hindi niya maalala kung kanino at saan.

"N-nightmare nanaman ba 'to?" Ang utal na nasambit niya. Maya-maya pa ay nakarinig siya ng yapak na alam niyang papalapit sa kinauupuan niya.

Dahan dahan hanggang sa...

"Huli ka!" Sabay labas ni Geoff na dahilan upang bumaliktad si Veg sa upuan dahil sa takot at gulat.

Napuno naman nang tawa ang buong kwarto. Ni hindi manlang tangkaing tulungan si Veg.

"Sabi ko nanga ba ikaw 'yung narinig ko! Matatakutin ka talaga! Hahahaha!"

Agad tumayo si Veg nang mapagtanto niya kung sino 'yung nanakot sakaniya. Kaya pala familiar sakaniya 'yung boses.

"Tipaklong ka ha!!" Agad sinugod ni Veg si Geoff at pinaghahampas ng Mop na nakita sa malapit.

"Ow! Hindi ko naman sinasadya Ow! Kokak! Itigil mo na! 'Ow!" Ani Geoff na siyang nagpaigting lalo ng inis ni Veg.

"Aba! Hindi daw sinasadya? Kakasabi mo lang na alam mong ako 'yung nandito! Wag ako Jagger. Wag ako!"

Natigil lang sa pagpalo si Veg nang hawakan siya ni Geoff sa magkabilaang braso.

"A-aray" Daing ni Veg hindi dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Geoff sa braso niya kundi dahil sa sugat na natamo sa kaliwang braso dulot ng pagkahulog sa upuan.

"Kokak may sugat ka! Lika sa Cafeteria." Napa-irap naman si Veg sa narinig.

"Ano naman kasing kinalaman ng Sugat ko sa Cafeteria Jagger? Papakainin mo?" Sarkastikong sabi ni Veg.

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon