Chapty 6:

661 32 1
                                    

CHAPTER 6:

Veg's POV

At dahil masyado akong napaaga ng pasok ay pinuntahan ko muna yung Room nila Kael. Pero iilan palang ang nandoon. Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa kanya. Kahit nung sabado nakalimutan ko din. Tumatanda na talaga ang Lola niyo. Nagiging makakalimutin.

Pumasok nalang muli ako sa room namin at naghintay para sa Break Time. Dun ko nalang siya hahanapin.

Pero nung sumapit ang breaktime ay walang bakas ni Kael akong nakita.

Baka naman nasa tinatawag nilang 'Happiee Room' sa pinaka dulo ng School kung saan niya 'ko pinakilala kila Greg?

Nakapagtataka kung bakit yun ang pangalan nung abandunadong Room na 'yun. Siguro dahil dun sila masaya? Ah basta!

Nang makapunta ako sa harap ng kwartong 'yun ay kumatok muna ako. Syempre para hindi mapagkamalang nakiki FC no! Kumatok uli ako nang walang sign ng pagbukas ng Pinto.

At dahil wala ulit ay hinawakan ko na yung Doorknob para buksan. At voila! Bukas ang pinto! Dahan-dahan kong binuksan yung pinto.

"Kael?"

"Hello? Is anybody here?" Panggagaya ko sa mga Horror Movies sa tuwing papasok sila sa Haunted House. Sikat kasi yung ganyang Line.

Tuluyan na 'kong pumasok pero napasapo nalang ako sa noo nang makita ko si Greg na nakahilata sa Sofa.

"Kanina pa ako nagsasalita Greg ni hindi ka manlang sumagot?"

At ayun! Wala nanamang sagot! Nakatutok lang siya sa PSP niya.

"Greg!"Pagtawag ko sakanya,pero tila wala siyang narinig. Nakatuon parin ang atensyon niya sa PSP.

"Uy Greg!"

"Greg?"

"Greeeeeg!" Grabe naman pala ang kabingian nito! Kaya pala ang tahimik. I-konek niyo!

"Oh?" Aniya habang nakatingin parin sa PSP. Grabeh 'Oh' lang ang sinagot niya? Eh halos masira na yung dalawa kong Vocal Cords kakasigaw sakanya! (Over Acting?)

"Nakita mo ba si Kael?"Tanong ko sakanya. Pero hindi nanaman sumagot.

"Uy ano na?Nakita mo ba?"Aba hindi nanaman ako pinansin. Ang hirap pala kausapin nito! Gusto ko sanang sabihing "Ginto bayang boses mo Ha!? Ha!?" Kaso lang natatakot akong umuwi ng may Black Eye q.q

"Ano ba?Greeeeeeeeg!?Sabi ko Kuuung nakiiitaaaa moo baaa siii kaaeel?"

"Hindi."Tipid niya ulet na sagot.

"Salamat sa sagot,Na inspired talaga ako! Maraming salamat!" Sarcastic Kong sabi sakanya. As if namang papansinin niya no!

Lumabas nalang ako sa Room na'yon.

At dahil nagutom ako kakasigaw kay Greg ay dumiretso nalang ako sa Cafeteria. Tinamad na 'kong hanapin si Kael.

Pagkatapos kong bumili ng Burger ay pumwesto ulit ako sa pinakadulo kung san ay hindi ka magiging agaw pansin.

"Hi?pwede bang makiupo?"Sabi ng isang tinig na ikinatingin ko. Ngumiti siya sakin at yung ngiting 'yun ay walang halong plastik. Mukha namang mabait kaya sige.

"Ok lang" Ganti ko rin ng ngiti sakanya.

"Hohoho salamat! So anong name mo?" Bibo niyang tanong pagkatapos na pagkatapos niyang umupo sa harapan.

"Veg,Veg Reci"Sagot ko sa tanong niya.

"Hi-hindi ba Ashurot ang name mo?" Ang 'di makapaniwala niyang tanong. Tatanung-tanungin niya ko kung ano pangalan ko tapos nung sinagot ko hindi naniwala? Ang saquette ha!? Ang saquette.

"Hi-hindi. Pinangalan lang sa'kin yun dahil sa Panget ako." Sagot ko nalang.

"Ah.. Edi pwede pala kitang tawaging ganun?" Tanong niya na ikina poker face ko.

"Ahaha jokish lang! Saka look! Hindi ka naman panget. Sadyang hindi kalang marunong mag-ayos ng sarili mo." Aniya.

"Sana nga."

"Nga pala,Ako si Lala Terry"Pagpapakilala niya kasabay ng paglahad niya ng kamay upang makipag Shake hand na tinugon ko naman.

"At dahil nakipag kamayan ka. Mag friends na tayo!" Sabi niya. Ang cute niya tignan! Akala ko lahat talaga sila kinamumuhian ako. May ilan-ilan talagang sadyang mabubuti ang puso't hindi nanghuhusga ng tao.

"Sige!" sagot ko dito.

Sabay nadin kaming bumalik sa Room namin,ang hyper nga niya e. Ang daming sinasabi pero ni-isa wala akong maalala.

"Uy dito na Room ko!" Pagtawag-pansin niya nang mapadaan kami sa Sec. 3 na room nila Kael.

"Sure ka?" Tanong ko dito.

"Yhup yhup!" Ang masaya niya pang sabi.

"Edi Classmate mo pala si Kael?" Tanong ko pa dito.

"Hindi lang siya,pati si Max at Greg din!" Magkakaklase pala yung tatlong 'yun! Wala namang sinabi si Kael eh ang turo niya lang ay dito ang Room niya.

"Uy matatapos na yung Break,hindi ka pa ba babalik sa Room mo? Diba nasa Sec. 1 ka?" Tanong niya. Sabi ko nga sa inyo. Sikat ako. Dahil sa pang-aapi nila.

"Ah Oo. Nandyan na ba si Kael?" Magpapasalamat pa pala ako sakanya.

"Nope. Hindi siya pumasok ngayon e! Teka bakit mo ba tinatanong?"

"Ahh.. Kasi magkaibigan kami."

"Wala tuloy akong kasabay pauwi" Pagpatuloy ko pa.

"Edi sabay nalang tayo!" Nagulat naman ako sa Hyper niyang boses.

Since may ilang minuto pa bago ang Next Subject ay nagkwentuhan pa kami ni Lala sa labas ng room nila.

Kinwento ko sakanya kung paano kami nagkakilala ni Kael tapos yung pang-iinis sakin ni Max.

Nang marinig namin yung Pagtunog ng School Bell na hudyat na tapos na ang Break ay nagpaalam na 'ko sakanya. Sabi niya ay pupuntahan niya nalang daw ako sa Room after Class na sinang-ayunan ko nalang.

Naglalakad ako pabalik sa Room nang mag krus ang landas namin ni Max.

"What a horrible face!" Pang-eepal niya nanaman sakin. Hindi ko na sana siya papansinin nang sadyain niyang banggain ako na ikinatumba ko. P.S. ang lakas ng pagkakabangga niya sakin. Hindi panga nakakarecover yung ulo ko sa pagka-untog sa upuan ngayon yung kanang kamay ko naman ang sumunod. Pero siya,tuloy lang sa paglalakad na animo'y walang nabangga. Tumayo ako agad at sa inis ko'y tumakbo ako papalapit sakanya't tinalunan siya sa likod upang sakal-sakalin.

"Papansin ka talagang Daga ka! Kung Horrible ang mukha ko, wicked naman 'yang ugali mo!" Sabi ko habang tuloy parin sa pagsasakal ko sakanya mula sa likod.

"S-stop that,I-i cant br-reathe you Dummy!"

Nahulog ako sa Sahig nang pwersahan niyang tinanggal yung kamay ko sa pagkakasakal ko sakanya.

"Ouch!Aray!"Habang sapo-sapo ko yung Pwetan ko.

"It's payback time!" Lumapit siya sakin habang pinapatunog yung mga daliri niya. Jusko! Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Look! Ang daming Molecules!" Sabay turo ko sa likod niya.

Tumingin naman siya sa likod niya. Mabilis akong tumayo at tumakbo papasok ng Room.

Feel niya naman makikita niya 'yun! Eh hindi 'yun nakikita ng Naked Eye. Tangengot pala 'tong Dagang 'to.

Mapapakanta ka nalang talaga ng "Who run the world Girls!"

Pagpasok ko sa Room ay nadatnan kong nagtuturo na ang Subject Teacher namin.

Nabigyan tuloy ako ng malaking 'L' na ibig sabihin ay Late sa kanyang Class Record.

On the other side,gusto kong matawa sa pagkauto-uto nung Dagang 'yun!

Votes & Comments!

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon