Chapty 11:

781 39 5
                                    

CHAPTER 11:

Veg's POV

"B-bitawan mo ko!"

Pilit akong kumakawala sa lalaking basta nalang akong hinila sa isang liblib na eskinita

*Boogsh!*

Napatumba ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Matapos masampal ito naman ngayon? Grabihan na 'to a.

"Kasalanan mo lahat 'to!" Sigaw niya sa'kin habang tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng Luha sa mga mata ko.

"Dapat sa mga katulad mong tao ay patayin!Hindi kayo nararapat sa mundo!" Sabay sipa naman niya sakin.

Pinilit kong Gumapang para makatakas pero sadyang 'di na kaya ng katawan ko. Nahihirapan narin akong sumigaw upang humingi ng tulong.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko na maramdaman ang mga ginagawa niya sakin. Marahil ay na manhid na ako.

Naglakad papunta sa harap ko ang lalaking iyon hawak ang isang Baseball bat na bakal. Ang tunog ng pagsayad nito sa lupa ay mas lalo pang nakapagbigay ng takot sakin. Nang nasa harapan ko na siya ay umupo siya. Unti-unti ay lumilinaw ang mukha ng lalaking ito. Nang tuluyan nang luminaw ay nagulat ako. Si Max.

"Ma-max? A-anong gagawin mo?" Ang hinang-hina ko nang sabi.

"You'll find out"

Tumayo siya uli't ipinuwesto ang Baseball bat sa harap ko. "See you in hell" Huling sambit niya at sabay bumwelo upang ihampas na ito sakin.

Wala na 'kong magawa kundi ang umiyak.

.

.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!"Pagsigaw ko nang malakas kasabay ng paglabo ng lahat at pagkakita ko sa aming kisame.

"Hoy!Kung maka sigaw ka! Horror Movie lang ang theme?" Sigaw din ni Mama mula sa labas ng kwarto namin.

Hanggang ngayon ay pinagpapawisan parin ako. Walang hiyang panaginip 'yon! Nakakatakot. May mga natuyo rin akong luha.

Luha hindi Laway.

Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tumingin ako sa lumang Wall Clock namin na ilang Years naring nakasabit sa gilid pero gumagana pa rin. 5:32AM palang.

"Ano nanaman ba kasing Drama mo sa kwarto at nagsusumigaw ka? Ke aga-aga nambubulabog." Sabi ni Mama habang nakaharap sa niluluto niya.

"Wala 'yun Ma. Tin-ry ko lang kung kaya ko ang High notes" Pagsisinungaling ko

Tumahimik na naman siya at 'di na nag-usisa pa.

"Ma. Ano yang niluluto mo?" Tanong ko.

"Nagluluto ako ng Damit." Pambabara niya.

"Wow Ma. Di naman ako na-inform na pwede palang iluto ang damit." Ganti ko naman. Loka din 'to si Mama minsan e. Maayos akong nagtatanong tapos babarahin niya. Well ganun din naman ako...

"Haha. Scrambled Egg po madam." Matawa-tawa naman niyang sabi.

-----

Naglalakad ako sa direksyon ng Building namin kasama si Lala. Sinasagot ko 'yung tanong niya na kung bakit daw ba kami magkasama ni Max sa Mall e lagi naman daw kaming War sa isa't-isa.

Pero di ko alam na 'yun pala ang isa sa napakalaking hamon ng buhay ko. Ilang beses ko banamang ulit-ulitin at ipaliwanag dahan-dahan ang sagot ko dahil sa Hindi niya ma-gets. Napapasapo nalang ako sa Noo ko sa tuwing uulitin ko nanaman ang sasabihin ko.

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon