Chapty 10:

812 36 2
                                    

CHAPTER 10:

Veg's POV

Tignan mo 'yun!. Naglakad nalang ako pauwi. Anong naisipan ng conceited na lalaking 'yun at binigay sakin 'to? Eh diba mga Sapatos 'yung binili niya? Edi sapatos din 'to? Baliw talaga 'yung dagang 'yon as if namang magkakasiya 'tong sapatos na 'to sa paa 'ko e di hamak na mas malaki ang paa niya kesa sakin. Hindi rin 'yun nag-iisip e.

Pero bakit ba 'ko nagagalit sakanya? Buti nga binigyan niya pa 'ko! Minsan talaga trip kong sapakin sarili ko.

e.e

Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako dahil nandun na agad si Mama.

"Ma ang aga niyo naman ata ngayon?" Kasi mga 4:30PM palang. Oyes. Ganun katagal kami nasa mall ni Daga.

Kadalasan kasi 8 o kaya 9PM umuuwi si Mama.

"Syempre naman!Aba ang daming bumili ng mga Fresh Gulay ko!Ayan naubos.La la la la~" Sagot ni Mama habang kumakanta.

Napansin naman ni Mama yung Hawak kong isang paperbag.

"At kailan kapa nagkapera para mag Shopping Aber? Eh sakto lang naman ang baon mo sa school niyo ha? Wag mo sabihing hindi ka kumakain sa school niyo? Nak-"

"Mama!Bigay lang sa'kin to!" Pagpapatigil ko sakaniya. Nang bigla kong maalala 'yung paghawak ni Max sa braso ng lalaki na dapat ay ipangsusuntok sakin.

"Ma bakit biglang uminit?" Pinaypayan ko yung mukha ko gamit ang isa kong kamay. Pagtingin ko sa kaliwa ay nakabukas naman ang electric fan.

"Mainit ba o sadyang namumula lang 'yang mukha mo?" Ako namumula? Agad kong itinago sa likod ng paperbag 'yung mukha ko.

"Luh Ma! Magkakasakit pala 'ko ngayon!"

Natawa lang naman siya.

e.e

"Osiya-siya. Ano ba kasing laman niyang dala mo?" Lumapit siya sa kinauupuan ko saka ko binuksan 'yung errrr. Bakit hindi sapatos 'to?

"Ano 'to mga beauty products?"-ako. May pilas ng papel akong nakita sa ilalim kaya agad ko 'yun kinuha. Mali. Nakuha na pala ni Mama bago ko paman makuha.

"Hindi ko matagalang makita 'yang mukha mo kaya naisip kong bumili niyan. Dont thank me.

-Max"

Pagkatapos basahin ni Mama ay napahalakhak siya.

Jusmiyo! E bakit niya pa 'ko kinaladkad sa Mall kung hindi niya naman kayang tagalan 'yung mukha 'ko!?

Sa inis ko'y ibabalik ko na sana sa loob ng paperbag 'yung mga produkto nang may makita pa akong...

"Ito 'yung stuffed toy na kinuha niya"

"*cough* *cough*" pagtawag pansin ni Mama.

"Nako! 'Di mo sinabi hiwalay na pala kayo nung K-kael bayun? Pakilala mo sakin 'yang Max na 'yan ha? Tignan natin kung papasa sa Standards ko." Litanya niya na siyang ikinamula 'ko hindi dahil sa inis kundi sa hiya.

"Ha! Ewan ko sayo Ma! Matutulog nalang ako! 'Di ko kinaya 'yang Standards mo" Sabay pasok sa loob ng kwarto.
Mula rito ay rinig ko pa 'yung pagtawa ni Mama. Susme.

Niyakap ko nalang 'yung Stuffed toy na binigay ni Max. Kita mo 'yun. Sinigaw-sigawan pa 'ko sa mall ibibigay din naman.

.....

Pagpasok ko palang sa Gate ng School ay binulagta na agad ako ng masasamang tingin ng mga kapwa ko estudyante sakin. Ano nanaman bang problema nila? Bagong araw,bagong pangungutya nanaman ba?

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon