Chapty 14

244 12 2
                                    

CHAPTER 14:

Mag 8pm narin pala,pagtingin ko sa relo ko. Akala ko talaga sandali lang yun since 'Mini' lang naman. Ang huling nagperform ay yung sikat na banda na inimbitahan pa talaga ng iskwelahan.

Kasalukuyan akong naglalakad papalabas ng iskwelahan. Medyo nakakatakot since ako lang mag-isa ngayong naglalakad. Nauna na kasi ako dahil nagsasalita pa yung MC para sa pagtatapos.

Habang naglalakad ako ay aksidenteng nahulog yung ballpen na nilalaro ko sa kamay. Gumulong ito sa madilim na parte. Jusko naman bakit ba ko pinaparusahan ng ganito?

Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa parteng ginulungan ng ballpen ko. 14 pesos pa naman yun! Sayang.

Nang makarating ako ay kinapa-kapa ko pa yung lupa dahil wala naman akong cellphone pang ilaw dito.

Habang kinakapa ko ay may narinig akong sumigaw ng "Hoy" Mabagal kong nilingon yung parteng yun kung san ko narinig yung boses.

"Lord naman. Katuwaan lang po yung pananakot ko kanina wag nyo naman pong seryosohin." Bulong ko sa sarili.

Nakita ko ang paa ng tao. Dahan-dahan kong tinignan yung mukha. Ang tangkad niya....

"K-kapre! Ahhhh!!!" Sigaw ko. Akmang tatakbo nako nang hilain niya ko.

"What did you call me?" May pagka-irita niyang tanong sakin. Kilala ko yung boses na yun!

"Ah..kala ko kapre,tikbalang pala." Sabi ko. Bakit ba kasi nandito tong halimaw na to?

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"No,what are you doing here?" Pagbabalik niya. Kumag na to.

Tumayo na ko at pinagpagan ang damit. Bibili nalang ako ng panibagong ballpen. Ang walang kwentang kausap ng lalaking to.

Tinalikuran ko nalang siya't naglakad na papalabas ng school. Baka may makakita pa samin kung ano pang sabihin.

Bakit ba kasi siya nandun? Diba dapat nasa backstage pa siya? Saltikin ata yung lalaking yun.

Habang naglalakad pauwi ay napansin kong may naglalakad sa likuran ko. Nang lingunin ko ay wala naman akong nakita.

Binilisan ko nalang ang paglalakad ko pero habang tumatagal ay palakas ng palakas yung yapak na naririnig ko sa likod. Nagsimula nanaman akong kabahan. Ang malas ko ata ngayong araw.

Mabilis kong nilingon kung sino yung kanina pang sumusunod sakin at napasigaw ako dahil sa madilim na parte ng kalsada ito nakatayo at hindi kita yung mukha niya.

"Ahh!Tulong! M-magnanakaw!" Sabay takbo ko pero di paman ako nakakalayo ay nahuli niya na ko tapos ay tinakpan yung bunganga ko. Siniko ko siya sa tiyan pero ako lang yung nasaktan. Bato ata tiyan neto.

"Hey,shut up im not a-"

"Bitawan mo ko,gusto ko lang ng tahimik na buhay!" Pilit kong sigaw kahit na may nakatakip na kamay sa bunganga ko.

Nang makahanap ako ng tyempo ay inapakan ko yung paa niya na dahilan para matumba kami since hawak niya ko. Rinig ko pang napa-aray siya sa ginawa ko. Pagkatapos ay nakakapa ako ng bato sa malapit at hinampas ko yun sa braso niya para mabitawan niya ko. Sunod ay sa ulo ko naman hinampas. Napalakas yun kaya napadaing siya.

"T****ina! Bat mo ginawa yun!?" Rinig ko sa boses niya na masakit talaga yung ginawa ko.

"Wala akong pera. Wala kang makukuha sakin." Sabi ko sakanya. Feeling proud pa ko nun kasi nagapi ko ang malaking taong to. Huh! Hindi dapat basta-basta minamaliit ang taong sadya nang maliit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon