Chapty 8:

739 30 3
                                    

Chapter 8:

Veg's POV

Ako ang naiwan ngayon sa Room dahil sa naglinis pa 'ko dito. 'Yung mga kagrupo ko kasi pinaubaya na sakin ang lahat. Ang babait nila diba? Ang sarap pagyayakapin sa leeg.

Nang masigurado kong malinis na ang kasulok-sulukan ng Room ay sinunod ko namang ayusin ang mga upuan. Sunod ay ang pagbalik ko ng walis at tambo. Panghuli ay 'yung basurahan na punong-puno na ng Crumpled Paper. Kinuha ko 'yun at pumunta sa pinaka malapit na recycling bin ng School.

Kasalukuyan 'kong ibinubuhos 'yung mga crumpled paper sa Recycling Bin nang may marinig akong humuhuni malapit sakin. Tahimik kong sinundan 'yung boses at voila! Si Max the great Daga ang humuhuni. Nakahiga siya sa damuhan,nakapikit ang mga mata't may nakasaksak na earphone sa kanyang dalawang tenga.

Biglang may pumasok sa isip ko na dahilan para gumuhit ang ngiti sa aking labi.(Bawal sa noo e.)

Bumalik ako sa recycling bin at kumuha ng ilang pirasong crumpled paper. Pagkatapos ay nagtago ako sa likuran ng wooden bench na hindi naman ganun kalayuan sa kinahihigaan niya.

Tumayo ako konte at binato ang unang papel pero hindi umabot. Ganun din ang nangyari sa pangalawang bato ko. Kaya ang ginawa ko'y pinagsama-sama ko lahat ng mga papel na hawak ko.

Nang sa tingin ko'y Ok na siya sa pagkakabilog ay lumapit ako ng konte sakanya pagkatapos ay ibinato ko to the highest level! Hayun! Sapol sa mukha niya! Patakbo akong nagtago muli dahil sa tumayo siya't tinanggal 'yung Earphone. "Pfft." Pagpipigil ko sa tawa ko.

Nakarinig ako ng yabag papalapit sakin kaya idiniin ko 'yung pag hawak ko sa bibig ko para hindi niya marinig ang pagbungisngis ko.

Mga ilang minuto pa ay wala na 'kong naririnig na yabag. Umalis na kaya siya?

Sumilip ako sa kinaroroonan niya kanina pati sa paligid pero wala na talaga siya. 

Tumayo na naman ako at pinagpagan ang damit dahil nakalimutan kong kanina pa pala uwian. Maglalakad na sana ako nang may magsalita mula sa likuran.

"And where do you think you're goin'?" Dahan dahan ko 'yung hinarap 'yung parang nasa mga Horror Movies lang? Ganun.

At hindi nga 'ko nagkamali. Isang malaking Daga ang aking nasilayan.

"H-hi. Hehe" Utal kong sabi pero nakatitig lang siya sakin ng masama. T^T

"L-look oh! M-may M-molecule!" Sabay turo ko sa likod niya. Pero hindi na siya nagpa-uto. Talagang nakatitig nalang siya ng masama.

"T-totoo n-n siya t-his time. T-tignan m-mo kasi!" Wala na talagang pag-asa.

Tinulak ko siya para makatakbo pero ni hindi man lang siya natinag.

"Hala Unicorn!" Bigla kong sambit sabay turo sa langit na siya niya namang kinagatan. Kaya agad akong tumakbo......
Mali,hindi pa pala ako nakakatakbo ay hinigit na niya 'yung polo ko pabalik sa kanya.

"Ano ba'ng Problema mo!?"May pagkairita kong sigaw sakanya.

"I should be the one to ask you that"Seryoso niya namang sabi sa'kin.

"Why did you have to throw a paper at me?" Seryoso niya paring tanong. Dahil sa wala akong masabi ay kung ano-ano nalang ang maisip kong sabihin.

"Correction,Crumpled Paper."

"Tss! Parehas lang 'yun!"

"Fyi! Hindi 'yun parehas! Yung papel,papel lang. 'Yung Crumpled Paper ay nilukot na p--"

"Shut up! I dont give a damn!" Pamumutol niya sakin. Aba medyo bastos! Nage-explain 'yung tao e.

"I dont give a damn-i dont give a damn ka diyan. Give a damn mo 'yang mukha mo!" Bulong ko sa sarili.

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon