Chapter 3:
Veg's POV
*sigh*
Inis talaga yung mga Pompoms na 'yun! Idagdag mo pa yung Harri n Friends!
Mga Loyal Haters ko!
As Usual,sinira nanaman yung Araw ko.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi galing school.
Inis hindi pwedeng Lagi nalang akong binubulas,hindi pwedeng lagi nalang akong mahina!
Sabi nga nila "Hindi pwedeng lagi ka nalang mapagpasensya,magalit karin minsan!"
.
*BEEEEEEEP*
Sa kakaisip ko'y hindi ko namalayang halos nasa gitna na pala ko ng kalsada't may Sasakyang muntik nang bumangga sakin. Mabuti ay huminto siya right in front of me! As in ilang inches nalang ang pagitan!
Lumabas mula sa kotse ang isang lalake. Si Max.
"Sino ba 'tong tatanga tangang naglalakad sa Gitna ng kalsada!?" Panimula niya.Bigla akong nainis sa Sinabi niya. Ang sarap niyang yakapin sa leeg sa isang iglap!
"Hindi ko sadya." Tinalikuran ko siya't nagsimula nang maglakad. Bahala siya diyan!
"Huh!Tignan mo nga naman. Wala pang balak mag sorry!" Pagpaparinig niya na siyang lalong nakapagpainis sakin.
"Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin sa isang taong tulad mo." And yea! Sinamaan niya 'ko lalo ng tingin! "Wait.Tao kanga ba? Mukha ka kasing Daga!" Nakatitig lang siya sakin nang sabihin ko 'yun. Siguro dahil first time niyang masabihan ng panget. Aba kung puno siya ng papuri sa iba ay ibahin niya 'ko.
Gumuhit ang ngiti sakanyang bibig "Sino kayang mas mukhang Daga sa 'tin?" Sabay halakhak niyang pinaka nakakairita sa mundo. "Anyway. You're just a waste of time."
Pumasok na siya at pinatakbo yung kotse. At ito naman ako na nasa gitna pa pala ng kalsada. Aba sadyain ba naman akong muntik sagasaan.
"Curse you! Sana kunin kana ni Lord!!!!" Pagsigaw ko kahit hindi niya naman maririnig.
Agad akong naglakad nang mabilis dahil sa may ilan na din palang kanina pa kami pinapanood. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya.
Langya talaga yung Max na 'yun Jusko!
...
Nandito kami ngayon sa Gymnasium dahil sa ugh.. Pinilit nanaman ako ni Kael na manood ng Basketball Practice nila after the class which is ngayon. Hindi talaga sana ako pupunta kaso pinuntahan niya talaga ako sa Room namin at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi. Syempre hindi talaga maiiwasang mainggit yung mga kaklase ko kaya ayun! Pagkatapos umalis ni Max Tinukso akong nanggagayuma!
Nang makapasok ako sa Gym ay nagulat ako. Kung hindi ko lang talaga alam na Practice lang 'to aakalain kong totoong laban nila ngayon dahil sa Dami ng taong nanonood.
"Go Baby Max!!!"
"Galingan mo Kael!!I Love you!!"
Nakasuksok lang yung dalawa kong daliri sa tenga dahil sa walang habas na pagsigaw ng mga Babae. Pero minsan ay pumapalakpak ako. Lalo na sa tuwing makaka Score si Kael. Kay Kael lang hindi kay Max. Asa naman siya 'no!?
Umupo naman ako sa bakanteng space sa tabi ni Greg na tinuro ni Kael nang makita niya 'ko habang siya'y naglalaro. Nasa Pinakababa kami ng isang Bleacher kung san mas malapit kami sa court kung san naglalaro sila Kael.
Si Greg naman ay walang pakialam sa Paligid at nakatuon lang ang pansin sa PSP,Minsan nga pinagsasabihan niya yung mga Tili ng tili dahil sa katulad ko ay naririndi na rin siya at hindi siya makapag Focus sa nilalaro niya.

BINABASA MO ANG
Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)
DragosteAshurot! Ashurot! Lagi nalang Ashurot! May Pangalan kaya 'ko duh!