Chapty 2:

936 38 1
                                    

CHAPTER 2:

Veg's POV

"Oo na,oo na!!"Hindi talaga ako tinigilan netong Lalaking 'to! Kung hindi lang talaga ako tinulungan nito ni Kael eh. Akalin mo may taglay din pala siyang kakulitan.

*Flashback*

Tahimik na sana akong kumakain dito sa isa sa mga upuan sa School dumating lang itong mga Pompoms.

"Hoy Ashurot,Alis dyan!"Sino paba ang nagsalita?Edi si Chrisly kasama niya 'yung dalawang kaibigan niyang maaarte..

"Narinig mo naman diba?Alis dyan!"Sabi pa ng isa.

"Ano ba!?are you deaf?" Ugh! Pigilan niyo ko,Bibigwasan ko na 'to.

"Ah ayaw mong makinig huh?"Sabi ni Chrisly sabay Hablot sa uniform ko na dahilan kaya natapon 'yung kinakain ko't pilit na pinapaalis sa Inuupuan ko.

"Ano ba!Bitawan niyo nga ako!"Tuloy parin sila sa paghila sa'kin.

Ewan ko ba sa mga Pompoms na 'to ang dami daming upuan dito pa nila naisipan. Halatang gusto lang nilang mang-inis e!

Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao.Naluluha na ako,kahit Gay ako ay hindi ako lumalaban sa Babae. Tuloy lang sila sa Paghila sa'kin

"Teka,anong nangyayari dito?" Hindi ko na alam kung anong nangyayari ang alam ko lang ay naka Upo na'ko sa Lupa at umiiyak.

"K-Kael,Look, it was his Fault!" Bigla nalang parang iiyak 'yung mukha niya tapos yumakap pa kay Kael. Plastic! Agad ko namang pinunasan 'yung luha ko. Tumayo ako't inayos ang sarili.Naglakad ako papalayo habang nakayuko parin.

"Te-teka Veg!" Pagtawag ng isang boses at alam ko kung kanino galing yun. Kay Kael.

*End Of Flashback*

At hanggang ngayon kung hindi pa ako Pumayag ay Kukulitin niya talaga ako..Kung ano-ano na ang Rason ang pinagsasasabi ko pero ni-isa wala siyang pinakinggan.

Gusto niya kasing sumama ako sakan'ya dahil ipapakilala niya daw ako sa mga Kaibigan niya..Pero ayaw ko talaga dahil baka kung ano-ano lang ang sabihin ng mga kaibigan niya sa'kin.

"Nandito na tayo!"Hinawakan ko 'yung laylayan ng uniform niya sa Likod.

"A-ano wag nalang kaya tayong tumuloy?" Swear! ayoko talaga.

"Nandito na tayo oh! A-atras kapa?"

Nasa harap kami ng isang abandunadong Room at ang ipinagtataka ko ay Walang mga taong dumadaan sa part ng school na 'to. Kung meron man ay Bibihira lang.

"Kael nasaan ba tayo?" Tanong ko dahil sa kaunti lang talagang mga estudyante ang dumadaan sa Part na 'to. At medyo kinikilabutan ako. Who knows may balak pala siyang Tanggalin ako sa Mundong Ibabaw? O.A ko lang.

"Sa Dulo ng School"Cool niyang sagot.

"Eh anong ginagawa natin dito?" Curious lang talaga ako..

Napatingin siya sa'kin. Iba na 'yung tingin niya sakin 'di tulad kanina.

"Ka-kael?Anong ginagawa mo?" Bigla niyang inilapit sa akin yung mukha niya na bahagya ko namang ikina-atras.

"Te-teka wa-wag!Maawa ka please. Hindi ko kayang iwan ang Mama ko nang Mag-isa. Kailangan niya ko." Buong pagmamakaawa ko sakanya. All these Times akala ko iba siya sa mga inaakala ko. Katulad din pala siya ng ib--

"Haha--pfft."Napatingin ako sakanya.Naka takip yung kamay niya sa Bibig niya na parang pinipigilang matawa. Anong meron dito?

"Haha-Pfft..Hahahaha" Okay..Napa Poker Face nalang talaga ako. Nawala lahat ng takot ko at yung nagbabadya kong luha ay biglang umatras.

"Kung haha nakita mo lang haha talaga 'yang mukha mo hahaha Napaka Priceless Hahaha" Sabi niya habang tawang-tawa. Inis na 'to! Pinagtripan lang pala ako!?

"Ayoko na!Kainis ka!Bahala ka sa buhay mo!!" Inis talaga! Lalakad na sana ako palayo pero hinila niya 'ko sa Braso.

"Sorry na, Ikaw kasi masyado kang kabado. Wala naman akong gagawin sa'yo saka papakilala nga kita sa mga kaibigan ko."

Jusko! Napa buntong hininga nalang ako.

Binuksan na niya 'yung pintuan nung Room. Mayroong dalawang Lalaki sa Loob 'yung isa nag P-PSP,at 'yung isa naman may nakasaksak na earphone sa Tenga.

"Oh Pre,nandyan kana pala. Ba't ang tagal mo?" Ani nung naka Earphone. 'Di ko masyadong kita 'yung mukha dahil nasa kisame siya nakaharap habang nakahiga.

"Nga pala may papakilala ako." Ani Kael.

Napatungo naman ako dahil sa kinakabahan nanaman ako.

"He-hello" 'Yan lang ang lumabas sa bibig ko dulot ng kinakabahan ako.

Napatingin ako sa PSP guy na nakatingin din pala sakin pero agad ding ibinaling ang tingin sa psp na hawak niya.

"Pre,si Veg,Veg ito pala si Max."Pagpapakilala ni Kael sakin dun sa masungit na Guy.

"Masungit 'yan sa una pero di kalaunan ay mabwibwisit ka rin sakan'ya." Pagpapatuloy ni Kael.

Nag 'Tss' lang naman 'yung Max daw ang name. Nako hindi ako naniniwala kay Kael. Mukhang siya pangang nabwibwisit sa presence ko e.

"Ito naman si Greg. Ganyan talaga 'yan tahimik. Wala siyang pakealam sa mundo hahaha!" Pagpapakilala naman niya kay Greg.

"Oy,anong nilalaro mo?" Tanong ni Kael kay Greg sabay Akbay niya dito.

"Teka!Wag kang magulo mamamatay nanga 'yung Boss oh!" Seryoso namang sabi ni Greg kay Kael..

Pero si Sungit Guy eh nandun lang sa Gilid habang nakasaksak parin 'yung Earphone sa Tenga niya tapos minsan ay nag Li-lip sync..Ang cute nga niya tignan e.

Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya masungit.

...

Hindi ko namalayan 'yung Oras at patapos na pala ang Break Time...

"Ahm,Mauuna na pala ako"Hindi ko na hinintay 'yung sagot nila dahil pare-parehas silang busy sa mga pinaggagagawa nila. Lumabas nalang ako sa Abandunadong Room na 'yon..

Habang naglalakad ako pabalik sa Room ay biglang may sumabay sa'kin.

"Hatid na kita,para malaman ko naman kung saang Section ka kabilang"Wala narin naman akong magagawa baka pilitin nanaman niya 'ko..

Nagpasalamat naman ako kay Kael bago pumasok ng Room,Buti nga wala pa 'yung Assigned Teacher namin ngayon eh.

Nagulat panga siya dahil kabilang ako sa Diamond Sections at Section 1 paraw.

Masaya akong pumasok sa loob ng room.

"Hoy Ashurot!" Bulagta sakin ni sino paba? Edi walang iba kundi si Chrisly.

"Why were you with Kael!? Gosh! I just can't believe this!" Maarteng epal ni Chrisly.

"Oo nga! Who says you can be with him,with my Papa Kael!?"Sabi pa ng isang kasama niya na ikina-reak ng isa pang kasama niya.

"Hoy bruha!Anong 'my' ka d'yan? Akin lang siya. Walang Share!"

"Ha?Diba sabi mo Share Share tayong dalawa kay Papa Kael?"Sabi ulit nung Isa.

"Huh?May sinabi ba ako?Wala naman--ay Basta akin lang siya!".

"Edi akin nalang si Papa Max!"

"Manahimik ka akin Din yun!

"Akin!"

"Akin nga eh!"

"Edi kay Papa Gre--"

"Akin din siya!"

"Akin!"

"Sinabing akin eh!"

Napatampal naman si Chrisly sa kakulitan ng dalawang Pompoms.

Maski ako napapatampal narin e. Nilagpasan ko nalang sila't Dumiretso papunta sa upuan ko. Ilang minuto pa kaming naghintay bago pumasok 'yung Assigned Teacher namin.

------------

Do thizzzzz v

Vote & Comment

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon