CHAPTER 13:
Veg's POV
Hirap akong nakapasok sa loob ng Campus dahil sa isa-isang chine-check ng mga Guard 'yung mga taong papasok. For safety,i guess. Hindi kasi pinapapasok 'yung mga taong hindi naman estudyante sa School. Ngayon lang siguro dahil Foundation Day.
Binilisan ko ang lakad ko papunta sa Room namin. Mahirap na baka ma-late ako ng 1 Second nakakahiya naman kay Jane.
( /)_(\ )
Nang makarating ako ay iilan palang ang nandito. Dumiretso naman ako sa Gilid na may mga kurtina na ginawa para pagbihisan namin. Nang matapos ay minake-up-an ako ni Jane.
Dahil sa hindi pa naman magsisimula at 'yung mga hunghang kong kaklase na sabi ay 6:00AM ang call time ay naghintay muna ako sa tapat ng Pintuan ng Room namin at naupo sa sahig.
Maya maya pa'y, "Holy Sh*t!" Ang napabulalas ni Harry habang nakahawak sa pintuan sa gulat nang makita ako sa tapat ng Pintuan sa loob ng Room(Gets?)
"Wtf Harri? Hahahahaha! Matapang ka pala ha!?" Ang natatawang sabi ng isa kong Kaklase.
"Namo! Nagulat lang ako kasi ang panget netong isang 'to." Sabay turo sa'kin. Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Nagsisimula nanaman ba siya?
Di hamak na mas panget naman 'yang ugali niya no! Ingudngod ko siya sa umiikot na bakal na electricfan e!
Umalis nalang ako dun sa pwesto ko't umupo sa isang upuan. Malay ko bang matatakot siya. Ke-aga-aga e.
"Ang lakas naman makabangs netong wig na 'to. Hinakot pati likod." Ang nasambit ko habang nakatingin sa maliit na salamin na nakalapag lang sa desk ng inuupuan ko.
"Pfft." Napatingin ako sa nagpipigil ng tawa't nakita ko si Marji na nakatingin sa'kin. Nginitian ko nalang sabay balik sa pagsasalamin.
Infairness,ang galing mag make-up netong si Jane. Para talaga 'kong si Kayako Saeki sa movie'ng Ju-On. Ang puti-puti ng mukha ko pati Leeg tapos sa ilalim ng mata ko ay makapal na itim. Naisip kong gayahin 'yung ginagawa niya sa Movie na bubuka 'yung bunganga pagkatapos ay 'yung paggalaw ng ulo niya habang gumagapang.
Napabungisngis naman ako sa naging hitsura ko.
Mga ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga masipag kong mga kaklase. Isa-isa silang minake-up-an.
"Marji." Pagtawag ni Jane kay Marj sabay lapit. "There's a problem. Walang nagdala ng pagsasabitan ni Veg. Go with Plan B" Sabay tanguan ng dalawa.
"Alright." Palakpak ni Jane. "Pwesto na guys!"
Agad naman akong nilapitan ni Marj at sinabing sumunod sakaniya. Huminto kami sa isang maliit at masikip na pasilyo na ang kahoy lamang ang nagsisilbing dingding. Sa dulo nun ay ipinwesto ako ni Marj. Ipinaliwanag niya sa'kin lahat ng gagawin ko bago siya umalis.
So,ang gagawin ko lang naman ay magtatago sa dulo ng pasilyo kung san papasok 'yung mga tao. Kapag nakapasok na sila ay saka ko namang labas. Gagapang hanggang sa kabilang dulo ng pasilyo. 'Yung hahabulin ko sila while crawling katulad ng ginagawa ni Kayako Saeki.
Nang marinig ko na 'yung creepy sound effect saka ako nagtago sa tela na sinadya talagang gawin para pagtaguan ko.
"Holy God! Kunin niyo na 'ko!!!!" Ang maririnig na sigaw sa buong Classroom. Nang maramdaman kong nasa pasilyo na sila't medyo malayo na ay agad akong lumabas sa tinataguan ko't hinabol sila habang gumagapang. "Punyemas! sa likod tol!!" Sigaw ng isa hanggang sa nagsitingan silang lahat sa likod,sa'kin.
"Tol! Kamukha ng ex mo!" Pabirong sabi ng isa sakanila.
"Ul*l! Mas panget pa 'yun!" Di ko napigilan at napahagalpak ako sa tawa na akala nila ay isa sa paraan ko para lalo silang matakot kaya mabilis silang tumakbo papalayo sa pasilyo.

BINABASA MO ANG
Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)
RomanceAshurot! Ashurot! Lagi nalang Ashurot! May Pangalan kaya 'ko duh!