Chapty 4:

804 35 4
                                    

CHAPTER 4:

Veg's POV

Inihanda ko na ang sarili ko para sa pakulo nanaman ng "Harri n Friends" sa Room.

Pagpasok ko sa Pintuan ng Room ay nakatayo lang ako doon.Hinihintay ang endless pakulo ni Harri. Nakatingin lang sila sakin habang ako ay nanatili sa pintuan. Lumipas ang ilang segundo ay wala namang nangyari 'di tulad sa inaasahan ko. Himala mukhang tinamad ata ang Demonyo sa pang ti-trip sakin.

Tuluyan na akong pumasok sa Room. Safe ata ako ngayon. Akalain mo. Effective pala 'yung Fortune Cat. Makabili nga ng samp--

*Boink*

Bago ako masubsob sa Floor ay nauntog ako sa Upuan na malapit. I slipped on a Banana Peel. For the nth time napuno nanaman ng tawa ang buong Classroom.

"Yo! Nasan si-- wtf!?"

Sunod ko nalang nalaman ay tinutulungan na 'kong itayo ni Kael. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. Pero hindi niya 'ko sinagot. Pinaupo niya lang ako pagkatapos ay lumapit siya kay

"Woah!!" Napasigaw yung mga Classmates ko nang biglang sapakin ni Kael si Harri!! Akmang susunggaban din siya nung mga Company ni Harri pero tama namang Dumating yung Subject Teacher namin.

Agad naman kaming nagpaliwanag tungkol sa nangyari. Pinapunta naman sa Detention Room yung Harri n Friends. Habang nakatalikod yung Subject Teacher namin ay nag Mid Fing naman si Kael sa Harri n Friends bago sila lumabas ng Room.

Tahimik lang yung mga Kaklase namin habang nakatingin samin ni Kael. "Tungkol dun sa tanong mo kanina. Hindi ako makakasabay sa'yo ngayong Free Time dahil may gagawin ako. Ge yun lang!" 

Umayos nalang ako nang upo. Hindi niya naman kailangang sabihin 'yun. Susme! Pumunta pa talaga siya para lang dun. Pero isa lang talaga ang iniisip ko.. Nakalimutan kong magpasalamat q.q

May natutunan din ako. Hindi lang magaganda ang may so called "Knight in shining Armor" 

.

.

.

"Star Trail is a type of photograph that utilizes long exposure times to capture the apparent motion of the stars in the night sky"

Walang pumapasok sa utak ko kundi yung ginawa ni Kael kanina. Grabe! To be honest. First time lang talagang may gumawa nun para sakin! Halata naman diba?

"And the most common element in the star is Hydrogen."

Ang bait niya sakin sa kabila ng itsura ko. 

"Excuse me Mr.Reci"

Kung hindi lang siguro gan'to itsura ko. Iisipin kong may Gusto sakin si Kael.

"Ahm,Mr.Reci?"

Teka may gusto!?

"Kyaaaaaaaaaa---Mmf!."Napatakip ako sa bibig nang bigla akong tumili at yung Guro namin ay nakatingin lang sakin..

"So-sorry Ma'am."Uupo na sana ako pero pinatigil niya 'ko.

"Stop!Stand Still!" Susme. Ginawa niya 'kong aso.

"Since you arent Listening,What is Constellation?" Tanong ni Ms. sakin. Nako Constellation nanaman!?

"Constellation is a group of Stars that appear to be close to one another in the sky." sagot ko sa tanong. Hindi naman kasi ganun kahirap dahil nag a-advance reading ako. Minsan kasi kapag wala 'kong magawa ay pumupunta nalang ako sa Library para mag basa.

"Ma'am,His face is an Example of Constellation!His pimples appear to be close to one another!" Pagepal nung tatlong Pompoms.

Napuno ng tawanan ang klase dahil dun. Hindi na bago sakin 'yun kaya hinayaan ko nalang.

"You Three!Go out of the Room!" Galit na sabi ni Ma'am sa Pompoms. Buti nga! Sa isip-isip ko'y nag Da-dance Craze na 'ko sa tuwa.

Napadaan naman yung tatlo sakin na Binelatan ko ng patago na ginantihan naman nila ng irap sakin. Sabi sa inyo! Gumagana talaga 'yung Fortune Cat! 

Una napapunta sa Detention Room yung Harri n Friends ngayon ay napalayas yung Pompoms. Sinasabi ko talaga sa inyo bibili pa ako ng sampo kapag nakapag ipon ako!

"And Mr.Reci Scholar ka panaman!Gusto mo bang mawala yan sa'yo?"

Nag-sorry naman ako kay Ma'am dahil sa Ayokong mawala 'yung Scholarship ko. Ito nangalang yung maibibigay ko kay Mama.

...

Nang saktong mag Ring yung Bell na ibig sabihin ay Break Time na ay tumayo na'ko para bumili ng makakain pero bago paman ako makalabas ay hinarangan ako ng dalawa at si Chrisly naman ay dumiretso lang papasok ng Room

"Kasalanan mo 'to kaya kami napalabas!"-Tintin

"Tama,hindi namin lubos akalain na mangyayari 'yun sa amin!"-Karly

"Wala pang nakakagawa sa'min nito!"-Tintin

Pwes,meron na!Ako!

"At hindi ka namin Mapapatawad sa ginawa mo!"-Silang dalawa.

"Wobbuffet?" Ang 'di ko sure na sabi.

"Hay nako! Tigilan niyo 'ko Team Rocket! Hanapin niyo si Meowth!"-ako. Gutom na kasi talaga ako. 

"Ay oo nga si Meowth!"

"Teka hanapin natin!" 

Rinig ko pang sabi nila bago ako tuluyang makalayo. May pagka uto-uto din pala 'tong dalawang 'to. Dumiretso nalang ako sa Cafeteria at bumili ng Burger. Ito lang kasi yung kasya sa Baon ko. Dahil maski Burger nila ay napaka Over Price. 

Pumwesto nalang ako sa bakanteng Table. Kakagat na sana ako nang may Umepal na Daga.

"Burger lang ang cheap" Napairap nalang ako. Hindi nalang siya pinansin. Kakagat na sana ulit ako sa Burger pero dahil sa agaw pansin niyang pagkain ay napatigil ako't hindi ko mapigilang hindi magsalita.

"Ano banaman! Ang baboy kumain!" Side comment ko dito. Bakit ba dito niya pa naisipang umupo!? Siguro dahil sa baboy siyang kumain kaya walang gustong magtangkang makipag share sakanya ng Table.

"Pake mo ba!?" Ganti niya naman habang may kaunting nahuhulog mula sa bibig niya. Aba magsalita ba naman nang puno ang bibig? Baluga talaga 'tong Dagang 'to!

"Wala talagang Good Table Manners!" Pagpaparinig ko pa. Kainis 'to! 

"Sus! dami mong sinasabi! Pwede mo namang sabihing lahat pinapansin mo sa'kin!" Sabay Pogi Pose niya. Disgusting! sana lang ma-imagine niyo siya na naka Pogi Pose habang puno ang bibig. Saka itsura ng Dagang 'to no! Pinapansin ko daw ang lahat sakanya kaya pala siya yung Pumapansin ng bawat Facial Expression ko nung nasa kila Kael kami!

"Wow naman! Eh mismong Pogi pose mo nagmukha kang Dagang nagsuklay lang ng tatlong beses!" Ganti ko naman. Yung totoo? Wala ba talaga siyang balak itigil yung pang-iinis niya sakin!? Kasi kung gusto niya 'kong Asarin ay nagtagumpay na siya! Asar na asar na talaga ako! Swear!

"Sabagay, Sino nga naman ang hindi magkakagusto sakin?" Sabay tawa niya.. Yung tawang pinakapanget na narinig ko. 

"Neknek mo no! Kahit sino walang magtatangkang magkagusto sa tulad mong Daga!" Pero ang Mokong animo'y walang narinig.

"Everyone!This guy in front of me has a cr----"i stopped him.

"Nakakabwisit kang Daga ka!" May balak pang sabihin sa iba na may gusto ako sakanya kahit wala naman talaga!kaya ayun yung Burger ko na hawak ay isinuksok ko sa bunganga niya para manahimik..

Agad na'kong tumayo at naglakad pabalik sa Room..

"Gosh!Did you see that?"

"Omg yung Papa Maxy ko!!"

"Walang hiya talaga yang Ashurot na'yan!Pagka sama-sama nanga ang mukha,sinabayan pa ng ugali! Ugh!"

Bulungan nanaman nila na sadyang pinaparinig sakin. Wala na 'kong ganang kumain! Kainis kasi e! Bakit ako bina-bash nila? Dapat yung Daga!

------------------

Si Tintin at Karly yung Shungang dalawa na laging kasama ni Chrisly. 

Votes & Comments might help!

Ashurot(BoyxBoy/HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon