023 My New Neighbor

115 6 0
                                    

Dedicated to Pauline Ross

Ken Fanfiction:📝



Napatingin ako sa bintana ng napansin kong ang daming babae sa harap ng pamamahay ko.

At baket may mga babae? Dahil lang naman sa bago kong kapitbahay at ano ang name niya? Hindi ko alam dahil wala akong pake.

"Grabe ang gwapo niya hihi"

"Kaso masungit daw eh"

"Okay na atlis nakita tayo hehe malay mo magustuhan ako"

Okayed....

Sabi mo eh....

Lumabas ako ng bahay dahil sa irita! Ang ingaaay!

"Walang galang na noh? Pero kasi ang ingay niyo mga teh may tao rin naman ho kasing nakatira sa tinatambayan niyo" nakangiti kong sambit

Ngiting may halong inis.

Tinarayan lang nila ako at tinalikuran.

Aba?! Aba?!!

"Ang tagal naman niyang lumabas"

Napabukas nalang ako ng chocolate ko at inis na binangga sila.

"Paano lalabas eh hindi naman kayo kumakatok? Umalis nga kayo sa daan! Mga hangal haharot na nga lang tangengot pa"

Tumigil ako ng nasa pinto na ako at pinpractice nalang ang pagbati.

Bating kapitbahay okeh? Tissue kayo?

"Ate sabihin niyo nalang welcome"

"Welcome?! Paano?Hi welcome!"

Umiling ako at napagdesisyunang bumalik nalang sa bahay pero ending? Bumalik uli ako dahil hindi aalis ang mga babaeng eto sa harap ng bahay ko!!

Saktong pagkagat ko ng chocolate ng bumukas ang pinto at lumitaw ang may kagwapuhang lalaki.

"Hmm?"

Ngumiti ako at kumaway sa kaniya.

"Uh Hi?"

"

You have something in your teeth"

Napatakip agad ako ng bunganga at napatingin sa mga kababaihang nagpipigil ng tawa.

"Just say hi to them para makaalis na sila" I whisper

"I'm ken and you?"

"Pauline-- ay este, maghi ka nalang sa kanila! Bye! Welcome!"

Dali-dali akong pumasok sa bahay ngunit pagpasok ko palang ay narinig ko siyang sumigaw.

"Hi pauline! Let's do coffee sometime!"

Coffee lang? Akala ko pa naman aayain na ko ng kasal charot!


DON'T FORGET TO VOTE!!

IF YOU WANT A DEDICATED ONE SHOT STORY JUST COMMENT!!



SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon