001 Pangakong Bato

495 17 2
                                    

Ken Suson Fanfic:📝

"alam mo pag naging asawa na kita, gusto ko tatlo ang magiging anak natin, tas ang bahay natin ay kulay asul yung parang sky lang. Magtatrabaho ako ng maayos para mabigyan kayo ng magandang buhay" ngiting wika ni ken habang yakap yakap ako mula sa likod

"sus tatlo daw baka lumagpas ha?" pigil na tawa kong wika

"hehe baka nga, aray naman langga" daing niya dahil siniko ko ito

"ikaw talaga puro ka kalokohan"

"puro kalokohan pero hinding hindi ka lolokohin" wika nito

"Kaith pinapangako ko na ikaw lang ang dadalhin ko sa altar para pakasalan, ikaw lang ang babaeng dadalhin ko sa ospital dahil manganganak ka na, ikaw lang ang bibigyan ko ng magandang lahi"

"ikaw lang hanggang sa huli langga pangako ikaw lang ang aking iibigin" dagdag na wika nito

"mahal kita" pigil na iyak ko habang nagsasalita

"mahal din kita, mahal na mahal" wika nito at hinalikan ang aking pisngi

-----------------


Ilang buwang nakalipas ay nagbago lahat, lagi na siyang umuuwi ng hindi ako kinakausap, kakausapin ko pero ang binabalik lang saakin ay tango at malamig na salita, minsan ay hindi na siya umuuwi sa bahay na ipinagtataka ko. Nang araw na aalis muli siya ay sinundan ko siya.

Laking gulat ko nalang na pumunta siya sa bahay ng aking kaibigan. Bago pa siya maka katok sa pinto ay tinawagan ko ito ngunit pinatay niya lang ito.

Nabigla ako at pinipigilan ang aking sarili na umiyak at mag isip nang kung ano-ano

Kumatok siya at binuksan ang pinto iniluwa nito ang aking kaibigan.

Bumuhos ang luhang kaninang pinipigilan ko nang makita kong hinalikan ng aking kaibigan si ken at hinatak papasok sa loob.

Sa inis ay lumabas ako sa aking pinagtataguan at pinunasan ang aking luha at inayos ang aking sarili at tiyaka lumapit sa bahay nito at walang pasabing binuksan ang pinto.napaluhod ako sa aking nasaksihan.

Nagulat sila saakin at napatigil sa ginagawa nila.

"k-kaith" wika ni Ally

"l-langga" wika ni ken

"n-naistorbo ko ba kayo? S-sorry ha?" wika ko at tumayo.

Lumapit ako kay ally at sinampal ng malakas

"kaibigan kita! Bakit mo ko niloko?! Diba walang agawan?! Walang ahasan na magaganap! Pero bakit nang ahas ka? Nang sira ka ng relasyon at ang masama pa sa kaibigan mo pa!" iyak kong wika

"s-sorry kaith, sorry" iyak na wika nito at lumuhod sa aking harapan

Hindi ko ito pinansin at hinarap si ken at sinampal

"pano na yung mga pangako mo? Pano na yung future natin?" wika ko at dali-daling umalis.

--------------


"You may now kiss the bride" wika ng pari

Ngumiti si ken at hinalikan si ally

'Sabi mo ako lang dadalhin mo sa altar at ikakasal? Bakit ginawa mo sa iba?'

"okay one push nalang misis lalabas na ang bata" wika ko

Sumigaw ito at lumabas na ang bata. Narinig ko ang sigaw ng bata

"honey it's okay now, lumabas na si baby" wika ni ken at sabay halik sa noo ng kaniyang asawa.

"pwede ko bang mahawakan ang anak ko doc?" wika ni ally

Binigay ko ito sa kaniya at dali-daling lumabas at doon naibuhos ang luhang kaninang pinipigilan ko lang

'sabi mo ako lang? Bakit sa iba mo ginawa?'

"Doc Kaith, I-i mean k-kaith I'm sorry" wika ni ken na kakalabas lang

"it's okay, congratulations you are father now! Buti nabantayan mo ang asawa mo habang nanganganak samantalang ako habang nanganganak sa anak natin ay wala ka" ngiti kong wika

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak muli. dahil naalala kong muli ang mga kaniyang binitawang na mga pangako at sa mga plano niya para sa future namin, nakakatawa lang marahil ang mga nasabi niya ay naging bato.

Sorry lame HAHAHAHAHHA

IF YOU SEE THIS SA PAGE NG SB19 WRITERS OFFICIAL AKO PO IYON HEHE

SANA NAGUSTUHAN NIYO!

IF YOU WANT A STORY RIN JUST COMMENT AND I WILL DO A ONE SHOT FOR YOU

UHMM FEEDBACK? AHHAHAH

"DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE!

SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon