023 (Untitled)

122 4 0
                                    

Dedicated to Alliah Guay

Justin Fanfiction:📝



"Alliah nandito yung ex mo!" sigaw saakin ng kaibigan ko

Napatingin naman ako sa kaniyang tinuro at napag-alamang padaan siya dito sa puwesto namin.

"Bakit ba siya nandito?!!"

"Duh? Bes daanan toh!"

"Paano niya tayo nasundan? Pati ba naman dito?!"

"Ewan hindi ko alam bess!!"

Anong gagawin ko? Bakit nga ba ako umiiwas?!

Umiiwas ako dahil alam kong sisiraan at papahiyain niya lang ako, ganiyan ang gawain niya eh, ganiyan siya sa mga ex niya nakakahiya....

Umalis na nga ko sa mall para iwas gulo tas susundan niya pa ko?! Aba!

Saktong paglingon ko ay may nakita akong may kagwapuhang binata na kasing edad ko kaya agad ko itong pinuntuhan, sana pumayag!



"Kuya puwede niyo po ba akong itago? Yung ex ko kasi panay sunod saakin"

"Ganun ba? Sige ako bahala sayo"

Napabuntong hininga ako ng pumayag siya akala ko ay itatago niya ako sa likod niya ngunit binuklat niya ang payong at iniharang saaming dalawa, nagulat ako ng sobrang lapit niya saakin na ultimo unting galaw lang ay mahahalikan na niya ako.

Hindi ko alam kung pulang-pula na ako ngayon dahil nagkatitigan kami, una akong umiwas dahil sa kahihiyan!


"W-wala na po ba?" Utal kong sambit

Umiwas na rin siya sa titig at tinignan kung wala na ito.

"Siguro"

Agad akong lumayo sa kaniya ng sinabi niya iyon at balak sanang magpasalamat ng bigla niya akong hatakin at yakapin.

*Shook*

Ang bango niya....

Napatingin ako sa ex ko na masama ang titig saaming dalawa, umiwas ako sa titig at tumingin nalang sa baba.

Nang kumalas siya sa yakap ay yumuko ako para magpasalamat.

"Salamat po"

Pagtingin ko sa kaniya ay nginitian niya ako at inabot saakin ang kaniyang kamay.

"Justin"

Agad ko itong inabot at nakipag shake hands sa kaniya hanggang sa bibitaw na sana ako ng tuluyan na niya itong nahawakan, holding hands kumbaga ಥ‿ಥ.

"Justin ang pangalan ko ikaw?" Tanong nito

Hindi ako makapagsalita at naka yuko lamang.

"Ang cute mo pala kapag kinikilig, tara coffee date"

"Alliah... Alliah ang p-pangalan ko"

Tumawa lang ito at hinatak ako papasok sa coffee shop.

Mameeeeeee meh jowa na ata akoooo (个_个)



DON'T FORGET TO VOTE!!

SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon