011 Birthday Prank

170 6 0
                                    

Dedicated to Max Riego Ajero

SB19 Fanfiction:📝

Birthday na Birthday ko pero wala sila?! Andaya! Kanina pa ko naghihintay dito sa tambayan namin pero wala pa rin.

"Hindi talaga sila dadating?"

"Maghintay pa ko sayang yung cake!"

Nakanguso ako habang naghihintay sa kanila yung cake huhu sayang yung icing.

Napagdesisyunan kong tumayo at pabalik balik na naglalakad habang bitbit ang cake hehe wala lang baka mamaya madekwat pa mabilis pa naman ang mga bata dito.

Ilang oras na kong naghihintay ng sa wakas! Andiyan na sila! Pero bat parang lahat sila naka kunot ang noo? I mean parang wala sa mood.

Umupo sila sa tabi ko at hindi man lang nagsalita.

"Kanina pa ko naghihintay sa inyo!"

"Dre nakita niyo na si Max? Kanina pa ko pabalik balik sa kanila yung ballpen ko nasa kaniya pa rin" wika ni ken na tila naiinis

Loh? I'm here kaya!!

"Hindi eh, pabalik balik rin ako dito kanina nakalimutan ko rin kunin sa kaniya yung one whole ko" wika ni Justin

"Ako naman sa coffee shop wala rin siya don! Yung libro ko nasa kaniya pa din" busangot na wika ni Sejun

"Feeling ko Tinataguan na tayo ni Max eh" naiiyak na sambit ni Stell

"Loh? Pinagsasabe niyo?! Binalik ko na yun kahapon ah! Wag nga ako! At tsaka I'm here oh!"

Ngunit hindi pa rin nila ako pinansin.

Gosh! Nasagasaan ba ko? Multo na ba ako?

"Ano ngayon?" tanong ni Stell habang pinupunusan ang luha

"Biyernes araw kung kailan tayo tinaguan ni Max" bored na wika ni Josh

"Huy!" isa-isa ko silang niyugyog pero parang wala pa rin! Multo na ba ko?!

Nagpapa-pansin ako sa kanila at ginawa na lahat-lahat pero wala pa din! Sa huli sumuko nalang ako at umupo sa sahig kaharap sila habang umiiyak.

"Patay na ba ko? Ano ba yan Birthday na birthday na eh!"

Yumuko ako at umiyak ng umiyak at hinayaan ko silang umalis.

Patuloy ako sa pag-iyak ng kumakanta papalapit sa direksyon ko? Ewan.

"Happy Birthday to you🎶"

"Happy Birthday to you!"🎶

"Happy Birthday, Happy Birthday!🎶 Happy Birthday to you🎶"

Umayos ako at tumayo, nagulat ako ng nakatingin sila saakin habang nakangiti at si Justin ay may dala-dalang cake yung dala ko naman kanina ay na kay Josh.

"Happy Birthday Max!" sabay nilang sambit

"Prank ba toh?"

Tumawa lang sila at nilapag sa lamesa dun ko lang napagtanto na may Handa doon, Surprise ba nila saken toh?!

"Hindi ah! Sorry sa prank namin patatagalin pa sana namin kaso hindi namin kaya eh" wika ni Jah

Nag Group Hug kami at ng bumitaw na ay isa-isa ko silang kinotongan.

"Aray!"

"Kayo kasi eh! Ang hilig niyo talagang pinapa-iyak ako eh noh?!"

"Nagbunga naman" asar ni sejun

"Loh? Happy?"

Tumango-tango naman sila at kinurot ako!

"Blow mo na yung Candle dali!"

Inilapit nila saakin ang cake at sinindihan.
Pumikit ako at nagwish ng nakapag wish na ay minulat ko ang mata ko at Hinipan ang Kandila.

"Yeyyyyyy! Kainan na!"

Excited?!!

"Ano winish mo?" tanong nila

"Secret ko na yun! Tara kain na tayo Thank you ha! I love you Guys!"

Napanguso naman at sila at matamlay na umupo, hindi ko lang sinabe eh! Hahaha

"Andaya" wika nila

Tumawa lang ako at nagsimulang magsalin ng pagkain.

"I wish for the peace, more memories to make with them and for the successful of their Career... "

Yeah para sa kanila ang wish ko at hindi ako nagsisi roon.

Best Birthday ever!!!

Hi Max! Happy Birthday! Enjoy your day! More birthday to come! Thank you for commenting your name!

I'm sorry if nauna siya don't worry Magsusulat po uli ako kahit busy naisingit ko lang dahil Birthday niya po peace👉👈

You can add me ----> Jan Nase Swo

Don't forget to vote , comment and share!

SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon