015 I'm totally inlove in my Idol

129 6 0
                                    

Dedicated to Alyssa Jane G. Venturan

SB19 fanfiction:📝

mali, mali tong nararamdaman ko. Oo humahanga ako dahil talented sila pero bat parang lumagpas pa ang paghanga ko? Hindi kami pwede. Tagahanga lang ako at sila..

"bes! Uhmm normal lang ba na umibig ang tagahanga sa iniidolo nito?" tanong ko sa kaibigan kong si ashly

"tange. Oo normal ang umibig pero sa sitwasyon na sinabi mo? Ansakit naman nun bes. Kawawa naman yung tagahanga kasi masasaktan lang siya. Hindi nga alam ng iniidolo niya na nage-exist siya sa mundong toh" wika ni ashly

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya, tama siya hindi naman niya alam na nage-exist ako.

Napag-isipan kong gumawa ng letter para sa kanila. Napag-isipan kong kailangan ko ng itigil toh dahip kung magpapatuloy pa ako ay lalo akong mahuhulog sa kanila ayoko nun, ayokong umasa.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko... Ang Fanmeeting, mahigpit kong hinawakan ang limang sobre malapit na kasi ako sa kanila.

"Wag kang kabahan alyssa" ngiting sambit ng kaibigan ko.

Tumango tango ako at ngumiti, tama siya wag dapat akong kabahan! Whoo! Kaya ko toh!

"ikaw na next goodluck"

Please wag ka munang umalis! Tagalan mo! Ay wag! Wag! Wag! Diya--sabi ko nga ako na next.

Kinakabahan man ay ngumiti ako at kumaway kay Justin.

"Hoy po" masayang sambit ko

"Hoy den po haha! Pangalan mo?"

"Alyssa po!"

"Wow nice name! Kumusta?"

Katatapos niya lang pumirma kaya tumingin siya sa akin, shems gwapo!

"Okay lang po kaso eto busy"

"Don't stress yourself po!"

Tumawa ako at pati siya natawa maka-po eh mas matanda nga siya sakin!

"Gift ko po hehe mamaya mo na basahin yung letter! Nahihiya ako eh"

Agad naman niya itong kinuha at nilagay sa gilid nito.

"Salamat! makipag-usap ka naman kay ken!"

"Bye po! Salamat!"

Kumaway siya habang nakangiti, ako naman ay pumunta na kay ken i mean umusog na malamang magkakatabi lang naman sila.

"Hi ken!"

Ngumiti lang siya at nagthumbs-up hindi ko alam kung bakit mahal ko toh eh! Weird eh?

"Alyssa nice name ha! Kumusta?"

Nagulat man ako ng nagsalita siya ay hindi ko iyon pinakita at ngumiti nalang.

"Okay lang naman po ayon po busy po" busy sa inyo hehe

Tumango lang siya at ngumiti.

"Apir!"

Nag-apir kami at laking gulat ko nang pinagsiklop niya ang kamay namin, kinikilig ako!

"Luh liit ng kamay" asar nito

"loh laki ng kamay"

At sabay kaming nagtawanan

"Gift ko po hehe sana basahin mo ang letter pero wag ngayon ha nakakahiya"

SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon