Dedicated to Min Nikki
Sejun Fanfiction:📝
Tahimik na paligid na gustong gusto mo...
Hangin na kay sariwa...
Hindi ko mapigilang umiyak at mahigpit na niyakap ang iyong larawan...
"I miss you"
Nakasulyap sa langit habang inaalala ang mga alaalang kahit sino pa man ay ayaw malimutan...
"Sabi mo hindi mo ko iiwan? Sabi mo ayaw mo kong mag-isa pero heto nag-iisa"
Pinahid ko ang luhang lumabas.
"Sabi mo sabay tayong tatanda?"
Andami mong pangako pero ni isa hindi mo nagawa.
Paano na ako ngayon?
"Paano na yung pangarap natin? Sabi mo sabay tayong mangangarap"
"Alam mo ang daya ng magulang mo, Mahal kita eh pero bakit pilit ka nilang nilayo sakin? Gusto kitang makasama sa paglaban mo"
Wala akong nagawa kundi umiyak nakakabakla man sa iba eh wala na akong paki doon.
Inaalala ang mga pangyayari bago siya mawala...
Flashback...
"Please po kahit ngayon lang po, I'm a doctor too please let me check her" pagmama-kaawa ko sa magulang ni Nikki ngunit ayaw nila...
"Nikk--"
"Ang tigas talaga ng ulo mo eh noh? Ayaw ka naming makita dito!"
Napahawak ako sa aking labi na ngayon ay dumudugo dahil sa suntok na natamo ko sa kaniyang ama.
"Si nikki po ang gusto ko makita please let me see her" napaluhod ako kadahilanan para maagaw ang atensyon ng iba.
"Nakakahiya ka!" bigla nito akong sinipa kadahilanan para ako ay matumba siya naman ay agad na pumasok sa loob.
"Doc kaya niyo po yan! Makikita niyo rin po siya" pagpapatibay ng loob saakin ng kaibigan kong kapwa doctor.
Ngumiti lang ako at naghintay sa labas, tapos na kasi ang shift ko at dapat pahinga ko ngayon pero heto ako naghihintay na lumabas ang kamag-anak niya para makibalita kahit kasi ang doctor na umaasikaso kay Nikki ay ayaw sabihin saakin dahil baka raw mawalan siya ng trabaho.
"Doc! Good news! Pumayag ho ang pamilya ni Ma'am Nikki na ikaw ang mag-opera sa kaniya!"
Pero sa kasamaang palad ay hindi ako pupwede dahil may kaperhong schedule ang nangyari sa oras na ooperahan siya ay may ooperahan rin ako....
I choose my mom over her...
"Galing niyo doc! Successful ang operation!"
Ngumiti lang ako ngunit nawala iyon ng nakita ko ang magulang ni Nikki na umiiyak kaya dali-dali akong pumunta doon.
"Ano hong nangyari?Doc?"
"I'm sorry Doc Nase but Nikki didn't survive, hindi nakayanan ng katawan niya pero bago siya mawalan ng buhay ay may sinabi siya pero mas magandang ang magulang niya nalang ang magsabi" Malungkot siyang ngumiti at tinapik ang aking balikat tiyaka umalis.
"I'm sorry nilayo namin sayo si Nikki, Gustong-Gusto niyang makita ka pero ayaw namin, siya rin ang nagsabi na gusto niyang ikaw ang mag-opera sa kaniya"
Napatulala ako dahil roon..
Huling hiling ni Nikki na hindi ko nagawa...
End of flashback...
"Sorry, sorry because I was not by your side when you were having a hard time. I'm sorry if I didn't visit you on the last day you were still alive. If I only knew that, that would be the last time that I will see you alive, i would go to you."
"I love you Nikki, I hope you're now happy in heaven"
Hi Nikki! Thank you for the patient! I hope you'll like it! 💙
You can add me --> Jan Nase Swo