004 Jeep

232 10 1
                                    

Dedicated to Catherine Mondano

Ken Fanfiction:📝


"S-Sandali lang po! Wag ka munang umalis manong!"

Takbo lakad na ang ginawa ko para lang mahabol ang jeep malelate na kasi ako.

Agad namang huminto ang jeep at hingal na pumasok sa loob, hindi pa ko nakaka-upo ay bigla nalang umandar ang jeep kaya ang nangyari? Napasubsob sa harap -,-

"Ano kuyang driver?! Palit nalang tayo oh? Ako nalang maging driver?" inis na sambit ko

"sorry iha akala ko naka-upo ka na"

'puro akala, dahil diyan sa akala na yan madaming nasasaktan' umupong bulong ko

"ay hugot?"

"ay narinig?"

Ngiwing ibinalik ang atensyon nila sa kani-kanilang ginagawa.

"Bayad mo dalawa manong, pasensya na sa girlfriend ko meron kasi"

Napatingin naman ako sa katabi ko, shems ang pogi!

"kuya bay--"

"bayad na langga" wika nito

"Ha?" pambansang tanong ng karamihan na ayaw mag assume

"Sorry kanina, humabol kasi ako kaya napatigil yung jeep"

Ngiwing inirapan ko siya at itinuon ang atensyon sa harap.

'porke pogi ganiyan na'

'alam ko namang pogi ako' bulong nito sakin

Agad naman akong napalayo at piningot siya.

"a-aray"

"buti nga sayo!" inis na sambit ko

"kakilig! Ang sweet nila noh? Sana ako din may ganiyan"

"kyahh akin ka nalang"

Ngiwing wika ko namang nilingon ang dalawang babae.

"oh sayo na! For sale second hand issue feelingero"

Agad namang natawa ang mga pasareho kasama na don ang lalakeng toh.

"ano ba yan langga, not for sale ako"

"may pangalan ako! Catherine pangalan ko hindi langga!"

"Ayun oh! Ako si Ken langga"

No..

Ano ka ba cath? Madaming pangalang ken sa mundo! Kaya imposibleng siya ang crush mo! Bakit ba kasi nakamask at naka sumbrero toh?

Agad naman niyang tinanggal ang mask niya na ikinalunok ko.

"K-ken"

"Nakilala mo na rin ako grabe katampo"

Kilala niya ko? Ay oo nga pala sinabi ko pangalan ko kanina.

Agad ko namang hinawakan ang mukha niya at kinurot kurot ang pisngi.

"Ayan ha chansing ka na langga" ngising wika nito

Agad ko namang tinigil ang ginagawa ko.

"Neknek mo, chinecheck ko kung totoo ka"

"so totoo nga ko?"

"oo totoo ka nga....ay! Wag ako!" babala ko sa kaniya

"ay manong para po!"

Agad naman akong naunang bumaba at takbo lakad ang ginawa ko para hindi niya ko mahabol.

Sa kasamaang palad ay may papalapit na kotse sakin, babanggain niya ba ko? Ayoko pang mamatay!

Napapikit nalang ako at hinintay ang pagka bunggo saakin ng may tumulak saakin at napasubsob kami Pareho.

"a-aray" impit kong sagot

"are you okay?" alalang wika ni.....

Ken?!!!

Napatigil ako at napatingin lang sa kaniya na alalang-alala.

"Stop staring!"

Napa iling ako at natarantang pilit tumayo pero napa-upo lang ako sa sakit ng sugat na natamo ko.

"kulit! Baliw ka ba?! Bakit hindi ka pa tumabi kanina?! Pinag-alala mo ko"

"s-sorry"

Agad naman niya akong binuhat at dinala sa malapit na clinic.

"Pano ako makakabawi sayo?" ngusong sambit ko

Galit siya eh! Hala yung crush ko galet saken?

"Huy babawi ako sayo, sorry na at thank you"

Bigla naman siyang ngumiti.

"Date tayo at I will court you ayaw mo man o gusto mo Cath"

"h-ha?"

"Mamaya ha? 7pm susunduin kita sa inyo, a simple date lang tapos babawi ako sa susunod na araw pag okay na ang sugat mo" then he winked

"Namumula ka! Hahahhaa!"

Gusto ko mang takpan ang mukha ko eh hindi ko magawa may sugat kasi ako at masakit pag ginagalaw kaya yumuko nalang ako.

"hey! It's okay!"

"p-pano kasi ikaw eh!"

"b-bakit?"

"H-hindi ko alam na ang crush ko lang ay liligawan ako ng agaran!"

"sus liligawan kita ng isang linggo then tayo na, ayokong magtagal ang panliligaw ko sayo"

Amp.

"pero pano mamaya? Yung mga s-sugat ko"

"It's okay, ako bahala sayo"

"ang speed mo ha!"

"Hahahaha! Mas maganda ng speed baka mamaya maunahan ako ng iba"

Akalain niyo yun? Sumakay lang ako ng jeep magkakajowa na ko minsan try niyong sumakay ng jeep at baka dun niyo mahanap ang poreber niyo😃








THANK YOU FOR COMMENTING YOUR NAME! ADD ME AT -> Jan Nase Swo


++ Don't forget to vote, comment and share! 😉

SB19 STORIES COLLECTION ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon