Dedicated to Gilliane Ignacio
Pablo Fanfiction:✍️
"Bakit ngayon ka pa dumating?!"
Late na ko sa pupuntahan ko! Letseng ulan! Anong gagawin ko neto? Magpapa-ulan na lang ba? Wala akong masilungan!!!
Bahala na magpapa-ulan nalang ako!
Isa!
Dalawa!
Tat-----
Nagulat ako ng may humatak saakin at inakbayan ako...
"Baliw ka ba? Gusto mong magkaroon ng sakit? Baliw toh"
Nalaman ko nalang na pinayungan ako ni.....
Sejun........
Crush ko pinapayungan ako? Seryoso na toh? Baka panaginip toh ha!
"Gilliane ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan" sabi pa nito
"May choice ba ako? Wala akong payong at masisilungan!" Dipensa ko
"Kahit na mali pa rin yung ginawa mo, Gilliane gawain mo yan eh"
Napatingin ako sa kaniya, tingin na naiinis.
"Paanong gawain?! Ngayo---"
"Wag ka ng magdahilan diyan, nung nakaraan nung may quiz tayo hinangin yung papel mo at ending nangopya ka sa kaibigan mo"
Well totoo naman....
"Wala akong choice eh, wala ng time non, kasalanan ko bang hinangin papel ko" nakabusangot ko sambit
"Oo dahil hindi mo iniingatan papel mo babaita!"
Napahawak ako sa noo ko nang pitikin niya ito.
"Kung sesermunan mo lang ako mas magandang magpa-ulan na lang ako"
"Hindi na kailangan nandito na tayo"
Tama siya nandito na nga kami, imbis na magpasalamat ako ay hindi ko nalang siya pinansin at mauuna na sanang maglakad kung hindi niya lang muli akong hinatak at inakbayan.
"May sinabi ba kong mauna ka? Sabay na tayong pumasok sa loob"
Paano kumalma? Kung yung crush mo ginulo yung buhok mo pero mahina lang tapos pinisil yung pisngi? Samahan mo pa ng mga ngiti!!
Wala na himlay naaaa!!! Pablooooooo naman!!
DON'T FORGET TO VOTE!!