Planner Means Planning

171 12 0
                                    

02-08-15

Nung New Year, niregaluhan ako ng classmate ko ng planner. Maliit lang naman 'yun, pero cute, gawa siya sa kulay brown na papel. Hindi naman ako nagkaka-interes dati sa planner. Kasi sabi ko, wala rin naman akong isusulat (mas gusto ko kasi 'yung journal, at dahil mabait akong bata school at bahay lang ako. lol) 

Anyway, ayun nga. Last week lang naisip ko gamitin ko. Sinulat ko 'yung schedules ng mga exams ko this monthm pati 'yung mga birthdays ng nanay, tatay, mga kapatid ko pati mga kaibigan. I also started planning ahead. Kung baga, hindi ko pa naman sure kung mangyayari ba 'yung mga bagay na 'yun this year, but I still write them anyway. 

Sa pinakalikod naman ng planner, may dalawang page para sa notes. Sinulat ko dun 'yung gusto kong ma-achieve this year. 

Get a grade not lower than 2.0 (Kahit isa lang sa kahit anong remaining subjects ko. lol)

An out of town with friends

Learn how to play ukelele

Compose a song

Watch a live concert

Finish my on-going stories

Attend a poem reading

Laugh until crying

Receive an unexpected offer

Start my internship

Meet Penguin

Actually marami pa 'yan, 'yung iba kasi medyo nahihiya akong i-share. That's something I have to keep to myself (don't worry, wholesome naman lahat).

Ang sarap mag-plano. Kung iisipin kasi 'di ba, parang nakakatakot din magplano. Because the likelihood of disappointment is very high. 

Gusto ko pa ding ma-surprise. Alam ko namang mas marami pang pwedeng mangyari. Pero masarap kasi sa pakiramdam na, may ina-anticipate ka. 

Minsan kasi, kailangan alam mo rin kung ano 'yung gusto mo. 

Kaya nga, simula ng gumawa ako ng list, and started planning, parang mas na-excite ako para sa 2015. 

2016 may not be the way it is today, might as well, plan today. Do something you really wanted to do. Make yourself happy. Kahit medyo bipolar ang trip ng mundo, atleast kaya mo pa ring maging masaya. 

Ang sarap pala mag-plano. Pero dapat walang pressure. Dapat lahat positibo!

You're young and capable. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na magawa 'yung mga bagay na gusto nila, let alone plan. 

So get a piece of paper, and list down things. hindi mo kailangan ng planner na kasing ganda ng sa Starbucks. You just need a paper, pen, creative mind, and a willing heart. 

Throw cautions to the wind!!

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon