2015 is typing...

184 13 1
                                    

01-06-14

Hindi ako mahilig magbigay ng tip sa pagsusulat. Naniniwala kasi ako na may iba’t iba tayong paraan ng pagsusulat. 

Nung January 1, nagsulat ako sa bago kong notebook. Matutulog na nga sana ako nun, pero bumangon pa ako para magsulat. Maikli lang sana ‘yung susulat ko, pero hindi ko namalayan nakailang page na pala ako. Ang dami ko nang nasulat. Nung binuklat ko ‘yung notebook at hinawakan ang ballpen, walang specific na bagay akong naisip para isulat. Para na lang may sariling puso at isip ‘yung kamay ko at sunod-sunod ko nang nasulat lahat (medyo ma-drama pa nga ‘yung huli. LOL!)

Kaya minsan, mas gusto kong magsulat ng non-fiction, mas mae-express mo kasi ‘yung karanasan mo. Walang halong kahit ano, walang hango sa napanuod mong chic-flick o nabasang nobela. 

Kapag nagsusulat ako ng kwento, walang concrete na scenes sa isip ko per chapter. Siguro may isa o dalawang eksena lang akong maiisip sa isang chapter, maiksi lang ‘yun, tapos the rest, kung anon a ‘yung mismong naiisip ko habang nagsusulat. Minsan, may mga linya kang maisusulat na magiging malaki ang impact sa readers mo, to the point na iqu-quote pa nila. May nabasa nga ako na tweet ng isang Filipino non-fic author, na hindi dapat ‘yung grammar ‘yung makakapagpahinto sa’yo sa pagsusulat. Okay lang kahit hindi ka ganun kagaling sa grammar. I, myself, hirap pa din ako madalas sa tenses. Minsan, nalilito pa din ako sa pag-gamit nun. There’s always room for improvement. Hindi ibig sabihin na hindi ka magaling sa grammar, hindi ka na pwedeng magsulat. Sa diary at journal mo, hindi naman magu-underline ng pula kapag may wrong spellings ka or green kapag grammar. Kaya, magsimula ka dun. Ako minsan, kapag mag-isa ako at nasa kainan o coffee shop, sa tissue paper mismo ako nagsusulat, minsan tula, minsa kahit ano lang.

Dun ko nga na-discover na mahal ko na talaga ‘yung pagsusulat. Nag-e-enjoy ako tuwing makakaabot ako ng 1k words. Natutuwa na ako kapag nakalagpas man lang ako dun. Mahilig din akong mag-note sa libro na binabasa ko. May pinahiram nga akong libro ko sa school before sa isang kakilala na pareho ko ng course. Sabi niya, may note pa daw ako dun sa isang page sa book, may time pa daw at date, super bored yata ako nun sa lecture at naisulat ko dun na inaantok na ‘ko. Nakakatuwa kasing mag backread din minsan. Magugulat ka sa mga nagawa mo. Mahahasa ka dun, at mas mai-improve mo pa ‘yung pagsusulat mo. Sayang kasi ‘yung idea kapag hindi mo sinulat. Minsan, hindi na ‘yun babalik na kapareho nung una mo siyang naisip. So, my only piece of advice is, to keep writing. I'm sure, ganun din nagsimula 'yung mga sikat na writer sa ngayon. 

Natutuwa ako dahil sa pagsusulat may ilan din akong nakilala at nakasalamuha. Na kahit average student lang ako sa school, at walang alam na kahit anong sports, may ilang nagsasabi na magaling ako dahil sa pagsusulat. Nakakadagdag ‘yun ng motivation. Okay lang kahit isa, o kahit wala. Pero dapat mahalin mo rin ang gawa mo. Minsan kahit walang nagbabasa, pero nagustuhan mo ‘yung ginawa mo, okay na.

Kaya, sulat lang. Maganda mag-umpisa tayo sa mga experiences natin. From there, we can create a lot more better. Hindi ko sinasabi ‘to dahil magaling o ako o walang pagkakamali. Marami pa akong kailangang matutunan sa pagsusulat, and I’m open to it, with arms wide open. Pero sinasabi ko ‘to, kasi mahal ko ‘yung pagsusulat.

Start the year right. Let’s make wonderful beginnings. Discover more things you are capable of. This is the first chapter of the year. Let’s write a bestseller! Happy New Year!

2015 is typing......

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon