01-12-15
I just turned a year older today.
Maliban sa mag movie marathon, magbasa, magsulat, magbasa uli, kumain, wala naman yatang sobrang special na ginawa ako ngayong araw. Feeling ko nga, normal na araw lang. But then, I don’t give fuss about things like that. Na-realized ko na okay lang naman mag-celebrate ng birthday na ginagawa mo lang din ‘yung mga bagay na ginagawa mo sa typical na araw araw. Okay lang naman kung hindi ka batiin nung mga expected mong taong unang babati o makakaalala sa’yo. Okay lang na wala kang birthday cake, or birthday present. Okay lang kahit hindi ka naligo (pero naligo naman ako). That it’s normal to break up with friends, that it’s normal that people change.
It’s all part of growing up. Dati, sobrang mahalaga nung lahat ng espesyal na tao sa’yo makakaalala ng birthday mo, na kailangan may handa ka, na kailangan may surprises. But as you grow up, naiisip mo na, okay lang naman kahit hindi. Kasi may bukas pa naman, may ibang araw pa naman, o may sunod ka pa namang birthday. Nagsisimula mong maramdaman na higit pa sa mga bagay na ‘yun ang gusto mo, o minsan naman habang tumatanda ka, mas nagiging mababaw na lang ‘yung gusto mo sa buhay.
My day turned to be fine. But it was like a normal day for me, same routine, same activities. Pero masaya naman ako. Kasi nagising ako kaninang umaga. God gave me a gift of life, to do things I did today. Hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataon na maranasang umabot ng 21. But I was blessed to be able to have another year today. So, it was more than enough reason to celebrate.
Masaya na ko dun.