04-27-15
Dear Penguin,
Hi! It's been a while since the last time I wrote to you. Naisip ko lang kasi, wala pala akong bestfriend. Well, there's my sister na I consider as bestfriend. But she's my sister, so feeling ko that's kind of natural thing. Hindi naman sa wala akong kaibigan. I have friends. Pero lagi kasi akong nasa group of friends. Nung HS, ngayong college, and other friends, laging grupo. I love them all the same, kaya wala talaga akong bestfriend.
Last week, nabasa ko 'yung latest book ni Mitch Albom.
"If you find one true friend in life, you're richer than most. If that one true friend is your husband, you're blessed."
Automatic na naisip kita. Kasi naisip ko nga, wala akong bestfriend, sabi ko baka nga naman kasi hindi pa dumadating. 'Yung iba kasi 'di ba, simula pa lang pagkabata, magkakilala na tapos 'yun yung bestfriend nila. Pero hindi naman siguro sa haba 'yun ng pinagsamahan lagi. Siguro sa'tin, base sa haba ng pagsasamahan.
Baka nga ikaw 'yung hinihintay kong bestfriend. Siguro kaya all this time, wala akong bestfriend - kasi parating pa lang siya. Atleast hindi mo na kailangan mag-selos sa bestfriend ko, kasi ikaw na 'yun mismo.
Lalo tuloy akong na-excite na makilala ka. Ang dami kong gustong ikwento sa'yo. Ang dami kong gustong malaman din tungkol sa'yo.
Pero sa ngayon iipunin ko muna lahat, gaya nito. Kasi kulang ang isang araw to catch up. It takes forever! Naks! May forever, Penguin! Alam mo 'yan!
Naghihintay,
Mic