Story To Tell

165 12 2
                                    

“Okay lang ‘yan, atleast you have a story to tell.”

Sabi ‘yan nung ate ko once habang pauwi kami ng bahay at nasa byahe. Sa kapatid ko kasing ‘yun nasasabi halos lahat ng mga nagyayari sa’kin, lalo na regarding sa school. Ang dami kong rants tungkol sa mga pinagdaanan ko sa pag-aaral, pero ngayon medyo naa-appreciate ko na kung bakit nangyari lahat ng mga bagay na iyon. May naikwento kasi ‘yung isa naming prof  about sa isa niyang kakilala na nag-top sa board exam. ‘Yung grades daw nun nung college nag-iipon ng 3.0 o kaya naman dropped pero nagawa niyang makatapos at mag top pa sa boards. Natuwa talaga ako d’un sa sinabi ng ate kong “Atleast you have a tory to tell”, sabi ko pa nga sa kanya, isusulat ko ‘yun someday.

Just this morning, binasa ko uli ‘yung libro na binili ko years ago. I Kissed Dating Goodbye by Joshua Harris. Inspirational and Christian book siya about singlehood, dating, waiting, and purity before marriage. ‘Yung last chapter is, nabanggit din ‘yung story to tell. Actually ‘yun ‘yung title ng chapter. The author, which is Joshua Harris, told the love story of his parents. Hindi naman lahat, pero kung pa’no sila nagkakilala at pa’no sila a develop sa isa’t isa. Hindi daw siya magsasawang marinig ‘yun. Somehow, naging reference niya ‘yun sa sarili niya.

‘Di ba mas maganda nga naman ‘yung someday, may maikwento tayo na magiging inspiration sa iba? Yes, may pinagdaraanan ka sa ngayon, pero sabi nga sa bible, in Romans 8:28, which is one of my favorites – all things work together for good. Lahat ng bagay, hindi nangyayari dahil aksidente. If you’ll read The Purpose Driven Life written by Rick Warren, sinabi nito na ang buhay natin ay hindi aksidente.

Last week, nakapanuod ako ng testimony sa TV (since holy week at may mga TV specials), ang dami niyang pinagdaanan sa buhay niya. Kung tutuusin, halos lahat na yata ng masasabi nating kamalasan sa buhay ay naranasan niya, pero sa huli ginamit ‘yun lahat ni Lord for good. He used her life story as a testimony, at nung hinanap ko siya sa Facebook, nakita ko na ang daming nag-post sa timeline niya kung pa’no sila na-blessed at naiyak sa buhay niya.

Everything has a reason. Alam kong sobrang gasgas na ‘yung linya para sa iba. Pero para sa’kin, hindi ‘yon magagasgas forever. Whether you’re in a good or bad situation, lahat ‘yan may dahilan. Siguro nga mas blessed ka pa kapag nakaranas ka ng mabigat na bagay sa buhay mo. Kasi balang araw, may maibabahagi ka sa ibang tao. Your life will be a story to be shared and remembered. Whether in your career, studies, love life, family, etc.

So, to everyone who can relate on this, I am telling you the same thing.

“Okay lang ‘yan, atleast you have a story to tell.”

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon