12-12-14
Dear Penguin,
Kanina, nakita ko 'yung video post ng schoolmate ko dati, proposing to his girlfriend, on a helicopter in Boracay. Ang bongga talaga. Sobra 'yung kilig ko nung pinanuod ko 'yung video. I mean, sa mga artista, sa TV, at sa libro lang ako nakaka-witnessed ng ganun, pero 'yung kanina, grabe.
Fairytales to come true.
Siguro kung ako 'yun, baka tumalon ako sa helicopter sa sobrang tuwa (syempre biro lang! Edi hindi mo na ako napakasalan! Haha).
Last month din, sinurprise nung boyfriend niyang nasa Ireland 'yung classmate ko. Nagpadala siya sa isa naming classmate ng pera tapos binilhan namin siya ng cake at flowers para sa anniversary nila. Ako pa nga 'yung nag composed ng message sa card kasi nabura ng classmate namin yung sinend ng boyfriend sa FB na message nya dapat. Sabi nila, parang may boyfriend daw 'yung nagsulat. Tapos after naming ibigay, namroblema yung classmate namin pa'no uuwi ng dala 'yun. Haha! Di ba? Pero okay naman, nairaos nya din mauwi.
Next week din kasal na nila Kuya, and I'm one of the bridemaids.
Most of my friends had their own relationships, some are engaged, and getting married.
Hindi naman sa nagmamadali ako. And believe me, I'm not pressuring you.
'Wag kang mag-alala. Hindi choosy 'yung magiging girlfriend mo. Kaya ngayon palang binababalaan na kita na okay lang sa'kin 'yung isang piraso ng sunflower, o kaya daisy (roses are overrated) tapos sulat galing sa'yo. Kahit wala nang isang bouquet, kasi malalanta lang din naman 'yun, pati ang mahal nun. Basag na din pala 'yung vase namin sa bahay kaya walang lalagyan.
Kahit hindi na sa helicopter at hindi sa Boracay 'yung proposal mo. Kahit writer ako, hindi ganun mas trip ko 'yung simple dates, proposals, 'yung hindi cliche. Kahit paggising ko sa umaga, yung hindi pa ko naka-toothbrush o nakahilamos, pupunta ka sa bahay, 'yung kamay mo 'yung una kong mararamdaman habang sinusuot sa'kin 'yung singsing. O kaya 'yung "Will You Marry Me," na nakasulat sa likod ng librong ibibigay mo sa'kin. Kilig!
Okay lang kahit hindi sa starbucks galing 'yung kape. Kahit simpleng brewed coffee lang o isang sachet ng 3-in-one coffee sa table ko or sa locker, with sticky note attached at may maikling motivating note to start my day, ayos na ako.
Kahit naglalakad lang tayo habang nagku-kwentuhan, masaya na ko (wag lang sobrang layo). Basta ba alam kong seryoso ka sa akin, swak na ko.
Kahit sa rooftop yung venue ng kasal natin (parang sa Made of Honor na movie), o kaya nakapaa lang tayo.
Okay lang kahit hindi mo kayang magsulat ng libro, okay na sa'kin 'yung babasahan mo lang ako ng paborito mong libro, o kaya sinulat mong tula, kanta. Kahit ganun tayo maghapon, basta ikaw ang kasama ko, walang problema.
Kahit sintunado ka at pumipiyok habang nagfi-feeling na John Mayer (na super crush ko), okay lang.
Kahit hindi glass shoes or stiletto na parang kay Cinderella iyong ilalagay mo sa paa ko, kahit ayusin mo lang 'yung sintas ng sneakers ko kapag natanggal 'yun, romantic na 'yun para sa'kin.
Kahit wala kang kotse, o kabayo na parang si Prince Charming, kahit magkatabi lang tayo sa bus, o kaya sa MRT, iyong sabay nating hahabulin 'yung bus kasi punuan at walang masakyan, o kaya masaya tayong maghintay sa waiting shed kasi wala pang dumarating na bus o jeepney. (Sa tagal ko ba namang maghintay sa'yo sa paghihintay pa ko ng sasakyan maiinip? Haha)
Okay lang kahit wala kang tuxedo, o coat sa date natin, kahit T-shirt at maong lang 'yung porma mo, walang kaso 'yun sa'kin (kasi ganun din ako. Haha!)
Okay lang. Kasi nga alam ko namang gugustuhin kita kahit hindi ikaw 'yung lalaking na ginagawa yung gustong gusto ng mga babae.
Ang demanding ko ba? Haha
Basta. Alam ko ikaw 'yung dream man ko. Alam ko namang hindi ko na 'to kailangan pang sabihin sa'yo. Kasi, alam kong ikaw na talaga 'to.
Sabi nga sa pinapakinggan kong kanta ngayon (First Date by Blink-182), "Let's make this last forever."
Patunayan nating may forever.
Excited to meet you, man of my prayers..
Naghihintay,
Mic