Kapag Natusok Ka ng Karayom

345 16 2
                                    

11-07-14

Out of boredom. I locked myself in the room and took my paraphernalias out (syringe, tourniquet, wet and dry cottons), tied my arm (using tourniquet), check for my vein, punctured my skin with needle hitting the vein, drawing some of my blood. 

Naisip ko lang. Kasi nga marami na akong classmates na gumawa n'un. Hindi ko inisip na gawin dati kasi iniisip ko pa lang parang ang hirap na pati baka mas masaktan ako. Pero kanina, dahil wala akong magawa (at walang may gustong magpakuha ng dugo sa akin dito sa bahay), I tried it on myself. Nung may lumabas na dugo sa barrel ng syringe, wala akong naramdaman na sakit, o siguro dahil na-excite lang talaga ako. 

Aaminin ko na hindi naman talaga ako ganoon kagaling pa na mag-extract ng blood. Pero kanina nagawa ko sa sarili ko. Sabi kasi nila, kung kaya mo daw sa sarili mo, mas kaya mo sa iba.

Nung una kasi natakot ako. Sabi ko, baka mas masaktan ko lang 'yung sarili ko kapag ginawa ko 'yun. Baka magkamali ako. 

We refrain ourselves from doing things na in the first place, kaya naman pala nating gawin. Bakit? Kasi natatakot tayong magkamali, natatakot tayo na baka masaktan tayo. Natatakot tayo na baka hindi natin kaya. 

Kanina, nung nag-extract ako ng dugo sa sarili ko, nagulat ako kasi nagawa ko siya nang maayos tapos 'yung sakit hindi katulad sa inaasahan ko. 

Some things are worth risking for

There's no reward without taking some risk. 

Sabi nga kapag hindi mo sinubukan, hindi mo malalaman. Pa'no kapag lagi ka lang curious? Ang dami mong What If's sa buhay mo. Kasi hindi mo sinubukan. Hindi mo alam na mas okay pala, na hindi naman pala ganun kasakit, na makakaya mo pala. Sana kung sinubukan mo, wala kang regrets, wala kang panghihinayang sa kung anong mayroon ka ngayon. 

Kaya try lang ng try. Basta alam mong tama, subukan mo. 'Wag kang matakot. Masu-surpresa ka na lang na hindi lang pala 'yung usual na ginagawa mo ang kaya mong gawin. 

Kapag natusok ka ng karayom, minsan magiging emo ka, gaya nito. Hahaha!

M <3

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon