03-10-15
Ang sarap maging adult.
Siguro masasabi ko, so far, mas nae-enjoy ko ‘yung pagiging adult kesa noong teenager ako.
Naisip ko nga kapag habang tumatanda ka pala mas bumababaw ‘yung kaligayahan mo o kaya naman ‘yung ibang decisions mo. At the same time, you’re getting deeper. Mas marami kang nare-realize. At kapag binabalikan mo ‘yung mga ginawa mo dati o mga na-experience mo, matatawa ka na lang.
I always kept a diary, kaya nga minsan nakakatawa kapag binabasa ko sila uli. At the same time, nakaka-miss din ‘yung ibang mga bagay, parang gusto mong balikan. Pero syempre hindi ko naman magagawa ‘yun. Meron kasi talagang mga bagay na sobrang nami-miss mo pero at the same time, ayaw mo namang balikan na kung magkakaroon ka ng chance.
Ang sarap maging adult, ‘yung tipong nae-enjoy mo ‘yung mahahabang kwentuhan na magsisimula sa tawanan na mapupunta sa mga malalalim na usapan.
Ang sarap maging adult kasi nagsisimula ng magbago ‘yung pananaw mo sa buhay. Mas carefree ka na at free-spirited. Hindi na ganun karami ‘yung fears mo. Ito ‘yung stage ng buhay kung saan, you’re preparing yourself for something big. Lifetime range of goals na ang hanap mo, hindi good time, o short time.
Ang sarap maging adult, kasi ito ‘yung start na mas nagiging liberal ka. Mas nadi-discover mo ‘yung sarili mo. Nagsisimula kang mag plano. Nagsisimula ka nang mas gustuhin ‘yung mga bagay na hindi materyal, hindi temporary kundi pang matagalan.
Ang sarap maging adult, kasi mas nakaka-relate ka na sa mga chic-flicks at chic-lit na napapanuod at nababasa mo. Alam mo na ‘yung feeling – kasi kahit papaano may karanasan ka na – may napagdaanan ka na.
Ang sarap maging adult, kasi naiintindihan mo na minsan malakas talaga ang topak ng mundo. May nawawala, may dumarating. Sabi nga, lahat ng ‘yan – part of growing up.
Ang sarap maging adult, kasi mas mataas na ‘yung tolerance mo sa pain. I meant it figuratively. Naiintindihan mong bahagi ng buhay na masasaktan ka talaga. Mas nagiging open minded ka na. Hindi ka na masyadong sensitive. Mas malawak na ‘yung pang-unawa mo (well, may ibang hindi. Pero mostly ganun)
Ang sarap maging adult, kung dati you admire intelligent people, ngayon, you admire kind people. Mas madali kang maka-appreciate.
Ang sarap maging adult, kasi mas naa-appreciate mo ‘yung mga bagay sa nakaraan. At the same time, ‘yung mga bagay na parating. Kapag nagmahal ka, madalas hindi ka na impulsive. Kasi iniisip mo, hindi lang boyfriend o girlfriend ang hanap mo, you’re looking for someone to spend the rest of your life with.
Ang sarap maging adult, kasi mas marami kang natututunan sa mga taong nakikilala mo – most of those people marami nang pinagdaanan. At the same time, ito rin ‘yung part ng buhay mo na marami kang natututunan sa mga bagay na nadi-discover mo ng mag-isa. Kung dati, nalaman mo kung pa’no pumunta sa mall dahil dinadala ka roon ng magulang mo, ngayon little by little you’re starting to discover things on your own – and learn from it.
Ang sarap maging adult, you’re starting to be independent. Well, may mga taong independent na sila at a very young age, pero iba pa rin ‘yung independency kapag adult ka.
Ang sarap maging adult, ang sarap magbigay ng payo. Kung dati, ikaw ‘yung nangangailangan, ngayon ikaw na ‘yung nagbibigay. Hindi dahil marami kang alam, kundi dahil been there, done that.
Ang sarap maging adult, ang sarap i-embrace ‘yung bagong kabanata ng buhay mo.
Syempre lahat naman may downside. Hindi ibig sabihin na adult ka mas madali ang buhay. Iba iba naman ‘yan – depende ‘yan sa karanasan. Pero siguro, ito ‘yung mga bagay na naa-appreciate ko sa pagiging adult.
Pero ang pinaka mahalaga sa lahat, i-enjoy mo ang buhay mo. Hindi araw araw fifteen years old ka, hindi araw araw eighteen, twenty, o thirty ka.
Pero ang sarap talaga maging adult! J