May 27,2014
11:25 PM
Living Room
Dear Penguin,
Hello! Naisipan ko lang uli sumulat sa'yo. It's been a while. Hanggang ngayon, madalas pa din kitang maisip. Madalas kang pumasok sa isip ko. I know. I know you're probably thinking this is too much, 'yung iniisip ko 'yung isang taong hindi ko pa naman nakikilala. Hindi ko alam kahit pangalan mo, or even just a slightest of your features. But I know you're a God-fearing man. Alam kong habang sinusulat ko ito, either tulog kana, or you're doing something nawala naming kinalaman sa akin. But I know, sa panahong mabasa mo ito, ako ang naiisip mo. Sana most of the time, ako ha? Haha. Hindi ko alam kung magiging clingy ba ako. I don't know. Minsan naiisip ko nga kung paano kaya ako maging ka-relasyon, sabihin mo sa akin after reading this ha? Gusto kong malaman. I want us to be open with each other. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa'yo, at hindi na rin ako makapaghintay na ikwento sa'yo ang mga kaganapan sa buhay ko.
This year, I just turned 20. Nung birthday ko, may wish ako. I wrote it on my journal. May signs akong hiningi. I'm waiting patiently for that sign to show up. I know you'll be the one to do that, alam kong mahihigitan mo pa 'yung mga expectations ko.
Iniisip ko kung saan tayo magkikita. Saan tayo magkakakilala. Clueless talaga ako. Hindi ko alam. Ang dami kong options, dami kong iniiisip kung saan kita makikilala.
I know, it's weird. Bakit nga ba Penguin? Wala lang. Someday, I'll tell you the story behind it.
Pero alam mo? Naisipko din lately, paano kapag hindi ka na dumating? Baka hindi ka na dumating, hindi na kita makilala. Na all this time wala naman pala talagang ikaw. Ang sakit isipin. Iniisip ko kung tatanda ba akong mag-isa? Yung lilipas nalang yung bawat taon na wala ka pa din.
Pero sana hindi. Sana nandyankalang, at darating din sabuhay ko. Kahit hindi pa nga kita kilala, alamkong may special na bahagi ka na sa puso ko. I know you're a God-given man. And I'm the well-kept woman. Naniniwala pa din ako na may tamang araw na ilalaan si Lord para magkita tayo. And by the time you're reading this letter? Baka matawa ka, kasi ang OA ko. Kasi 'yung mga paniniwala ko, nagkatotoo. Kapag nabasa mo na 'to, ibig sabihin answered prayer na 'ko. By the time you're reading all of my letters to you, dapat malaman mong hindi ka basta para sa akin. I've waited a very long time for you. I've kept these letters para ibigay sa'yo. Marami na actually. Meron sa tissue paper, sa scratch, meron sa isang website.
Right now, keeping the faith, I know I'll meet you very soon. Ayokong magkamali. Ayokong pumasok sa isang relasyon na hindi naman ikaw ang magiging kasama ko.
Super stressed nasa school. But the thought of you will always be one of my inspirations. Sabi nga ng mga kaibigan ko, mag-boyfriend na daw ako. Actually excited na silang lahat. Ikaw na lang talaga ang kulang. Hahaha
Marami ka na talagang utang na kape at movie tickets, chocolates at flowers sa akin. Hahaha. Kidding, basta nandyan ka, okay na ako.
You know, I'm always romantic, but definitely not hopeless.
See you soon, Penguin.
Naghihintay,
Mic