Short Talk About Waiting

840 42 6
                                    

06-17-14

"We are all waiting. Hindi mo lang alam, pero kaya hindi ka nagbo-boyfriend kasi naghihintay ka. In the same way, hindi nya rin alam (the person meant for you) na naghihintay siya. Iba iba lang tayo ng way ng paghihintay. May mga sobrang nag-a-anticipate, at meron naman hinahayaan lang mangyari - yung tipong kung mangyayari, mangyayari."

Nakasabay ko 'yong classmate ko palabas ng school after ng Pathology lab namin. Nagtaka nga ako kung bakit doon kami dumaan sa papunta sa may main gate ng University. Pauwi lang kasi siya ng Dorm, at kung doon kami dadaan mas mapapalayo siya. So, I asked her, kung bakit doon pa kami dumaan. 

Sabi niya, okay lang daw. Kasi siya naman daw 'yong nakisabay sa akin. Siya daw 'yong humingi ng favor. Doon na pumasok 'yong topic namin about - Adjustment.

I realize, during our talk, na pareho pala kami ng personality. Like me, tuwing nasa sitwasyon ng kailangang mag-adjust, siya 'yong nauuna. Ganun din kasi ako. Hindi ako mahilig humingi ng pabor, I ask favor, kapag kailangan ko na talaga. Hindi naman sa pride or whatever. Hindi lang talaga ako ganoong tipo ng tao na kailangan pang mag-adjust ng tao para sa akin, most of the time I do the adjusting. 

Then one topic led to another. Napunta sa love life. 

"Well, if that person can wait, edi maganda." 

"Walang taong naghihintay," Sabi naman niya.

"We are all waiting. Hindi mo lang alam, pero kaya hindi ka nagbo-boyfriend kasi naghihintay ka. In the same way, hindi nya rin alam (the person meant for you) na naghihintay siya. Iba iba lang tayo ng way ng paghihintay. May mga sobrang nag-a-anticipate, at meron naman hinahayaan lang mangyari - yung tipong kung mangyayari, mangyayari."

Naisip ko lang kasi. Lahat naman tayo naghihintay. Minsan hindi lang natin alam na naghihintay tayo. Kahit siguro nasa isang relasyon ka na, naghihintay ka pa din. 

May mga taong, specific kung sino 'yong hinihintay nila. May mga tao namang clueless kung sino 'yong hinihintay nila. 

Gaya nung nabasa ko mula sa paborito kong libro,

May iba't ibang klase daw ng taong naghihintay. 

Supposed, there are two people waiting on the bus stop. 

One is passively waiting. Na-miss niya 'yong bus, because she wasn't ready to get on. Marami siyang ibang ginagawa o marami siyang iniisip, kaya nang dumaan 'yong bus, hindi siya nakasakay. She was blocked by the bunch of people preparing to get on that bus. 

The other one, actively waiting. She was all poised at the curb, all her belongings are ready and balanced, ang gagawin niya na lang ay sumakay sa bus sa oras na dumating iyon. 

We are all waiting. 

Iba't-ibang klase lang ng paghihintay. You'd think, bakit ang tagal? Ang tagal ko nang naghihitay, pero wala pa rin?

Maybe, you're not yet ready. Siguro, hindi pa dumadating 'yung bus na lulan ang taong nakalaan para sa'yo. 

Before my classmate and I part ways, sumang-ayon siya sa sinabi ko. 

Habang naglalakad ako papuntang sakayan, naisip ko 'yung sinabi ko sa kaklase ko. Napangiti ako. 

Ang daming tao sa sakayan. 

Nag-uunahan 'yong mga estudyante para makasakay. 

I waited.

Nakahanap ako ng magandang pwesto sa jeep nang makasakay ako. Hindi masikip. Walang tulakan. Plugged my earphones, and closed my eyes to take some nap. 

And I thought to myself, maybe it's the same principle after all. 

ATBP.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon