15. Drink some hope

1.5K 54 7
                                    

All I want is to be with them, conquers thing they do. But now, I go beyond the limit. I am not just an ordinary vampire.

I always perceive that life is kinda boring if it is so perfect and ordinary. That’s why I joined them.

Im on the middle of hallway watching students passess. Inisip ko, ito iyong dati kong mundo.

“Feeling weird.” Napatingin ako sa nagsalita. It’s Corine. Bigla pa akong nakaramdam ng ibang sensasyon sa aking lalamunan dahil naaamoy ko ang sarap ng dugong dumadaloy sa kanya. Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili. Hindi ako maaaring maging ganito.

“Okay ka lang Ara? Are you sick.” Hinawakan niya ang aking balikat. Napalunok ako. No. I need to stop this. Kaibigan ko si Corine. At kapag kinain ko siya ako na ang pinakamasamang kaibigan pag nagkataon.

“I.. I am okay.” I lied. Kahit na pakiramdam ko ay magkakasakit ako sa gutom na nararansan ko ngayon.

“Sure ka ha. Alam mo namang bestfriends na tayo. Kapag may mali, sabihin mo lang.” 

But that is the problem. May maling nangyayari sa akin. But I must not told this thing to her. Dahil kapag sinabi ko iyon, hindi ko alam kong tatanggapin pa niya ako.

What worst is hindi ko mapigilan. Pakiramdam ko ay kinakain na ng buong sistema ko ay kinakain na dahil sa takam.

Kaya bumuntong hininga ako. Sorry na lang. But I need a fresh blood.

Kaya agad akong tumingin kay Corine at napansin ko ang ibang tingin na niya sa akin. Parang gulat na siya at hindi na maintindihan kung ano ang mukhang kaharap na niya ngayon.

Ang pinakapangit na Ara na nakilala niya sa buong buhay niya.

Nawala ang emosyon ko at agad kong inilabas ang pangil ko para kainin siya.

Sinunggaban ko na siya ng wala pang halos ilang segundo ng pagtatagpo ng aming mga mata.

Ngunit nakaramdam ako ng hapdi na tumagos sa aking puso. Namalayan ko na lamang ang isang dagger na nakasaksak dito. At unti unti akong nakaramdam ng sakit.

Shet. Ang sakit!

Unti-unti kong hinawakan ang dagger para alisin pero imbis na magkaroon ako ng lakas ay nanghina pa ako lalo sa paggalaw at bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng balak ko.

“Sorry.” At doon ko narinig ang boses ni Corine. Tinignan ko siya saka biglang naglaho.

At doon din ako nagising.

Panaginip na naman.

Hinabol ko ang aking hininga na parang nauubusan ako ng hangin. Napaanggat pa ako ng katawan at napaupo mula sa pagkakahiga.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon