51. If she could see you now

953 32 0
                                    


Devin's POV


Lahat nagbago, lahat nagtapos at lahat nawala. Iyan ang buhay na hinahara ni Ara. Masakit mang makita siya ngayong tulala at wala sa sarili ay hindi ko rin namang mawawala ang masakit na nararamdaman niya.

Ulila na siya. Kanina lamang. Namatay ang kaniyang ama at hindi naman matagpuan ang kaniyang ina inaakalang isa ito sa mga survivor pero hindi na siya umasa. Lahat nawala sa kaniya. Pero hindi ako papayag na maging siya mawala.

Kagigising lamang niya simula noong nahimatay siya doon sa pinangyarian ng aksidente. At narito siya ngayon sa hospital kung saan naroon din ang kaniyang ama sa morgue. Tulala siya noong gumising, hindi pa rin siya nagsasalita at parang malalim ang iniisip.

Si Brielle ay siyang nag-aasikaso para sa libing ng ama ni Ara, samantalang ako nama'y nakaobligada sa pag-aalaga sa kaniya.

"Ara," sinubukan ko siyang lapitan but still hindi niya man lamang ako tinignan. Nakatingin pa rin siya sa kawalan naghahanap ng kasagutan sa kaniyang mga tanong.

Bumuntong hininga ako at tumabi sa kaniya. Tinignan ko siya and it hurts me. Ang sakit makita ng mahal mo na nasasaktan at ikaw walang magawa.

"Ara, I'm still here." I said. Alam kong wala akong maririnig sa kaniya. But I still keep in hoping that mamaya kakausapin na niya ako.

"Ara, I know na napakahirap ng sitwasyon mo. Pero h'wag mong iisiping sumuko. H'wag kang susuko Ara, andito pa rin kami para sa'yo. Lahat ng bagay nangyayari dahil may rason Ara." I said with care. Tunganga pa rin siya, hanggang sa ako na ang kumuha ng kaniyang mga kamay at pinisil ito.

Kahit sa hawak man lang gusto kong maramdaman n'yang andito ako.

"Ara," I don't know what to say. Pero gusto ko siyang damayan at sabihin lahat ng dapat sabihin para hindi siya nagkakaganito. Pero nakakainis! Hindi makisama ang mga salitang dapat lumalabas ngayon sa bibig ko.

"You don't understand. Dahil wala ka sa mundo ko, wala ka posisyon ko kaya hindi mo maintindihan kung gaano ako nasasaktan ngayon. Wala kang karapatan para sabihing may rason lahat ng bagay." With strong tone, napatingin ako kay Ara dahil sa sinabi niya. Tulala pa rin siya. Sinaad niya ang mga katagang iyon na hindi man lamang lumilingon.

Kinabahan ako. The fact that naiintindihan ko siya. Ramdam ko kung ano ang sakit na nararamdaman niya. Yes, I can absorb a power, power lang. Pero kahit hindi ko maabsorb ang feeling niya nakita ko ang sarili ko 13 years ago.

"Leave me alone." Ang tatlong salitang 'yon ang huli niyang sinambit bago siya humiga't tumalikod sa akin. I want to hug her, I want to shout na naiintindihan ko siya. I want to confess no matter what happened I am still here, magmamahal at sasama sa kaniya sa kaniyang kalungkotan.

But I didn't do anything. I just stared at her. Bumuntong hininga ako.

"Just for one day Ara, ipakita mo kung gaano ka katatag sa pamilya mo. Dahil sa ganoong paraan maipakita mong hindi ka mahina. Maipakita mong malakas ka nang sa ganoong paraan maging proud sila sa'yo. Don't repeat the history. I'm begging."

And that was my last line, too. Before I stood up and went outside. Naiiyak pa akong isinara ang pintuan. I feel the past is still haunting me. The way na pinatay ko noon ang pamilya ko dahil sa kapangyarihang ito. The way I regret all day and night dahil hindi man lamang ako nagpakita sa huling araw nila dito sa mundo. The feeling I felt when the time I chose to be a ripper dahil I let my humanity shut off rather than attending the burial of my parent.

I regret it. Yes. And its killing me.

Naramdaman ko ang lungkot. Naramdaman ko ang pangungulila hanggang sa hindi ko namamalayang tumulo na ang aking luha mula sa aking mata. Nakaupo ako sa bench malapit sa kwarto ni Ara. Nag-iisip, nangungulila't nasasaktan.

"Ang korny mong magdrama. Hindi ako sanay."

Hanggang sa nakita ko si Brielle na nasa harapan ko na. Walang emosyong nakatingin sa akin habang pinagmamasdan ako kung paano madevastate ulit sa nangyari.

Pinahid ko ang aking luha at tumawa.

"I'm crazy."


Naramdaman ang pagtabi niya sa akin.

"Matagal na. Ngayon mo lamang narealize."

Napatawa ako sa pagiging prangka ng babaeng ito.

After that hindi na ako kumibo. Naging tahimik ang paligid. Walang nabuong usapan hanggang sa hindi nakatagal si Brielle tumayo ito.

"Pupunta lamang ako sa aking kaibigan. Kailangan niya yata kasi ng batok." She joked. Napangiti naman ako habang tinitignan siyang naglalakad papunta sa kwarto ni Ara. Ngunit napahinto siya't parang may nais pang sabihin.

"Nga pala, bukas na agad ang burial ni Tito Alejandro. Pwede bang ikaw muna ang mang-asikaso? Sasampalin ko lang si Ara para magising at pumunta sa huling araw ng kaniyang ama dito sa mundo." She said. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Hindi ko rin alam ang reaction ko.

Maybe ito siguro ang ibinigay sa akin ng aking mga magulang na pagkakataon para bumawi ako sa araw na pinili kong talikuran sila para hindi ako masaktan. Maybe, they can see me now regreting that day.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon