Sinubukan kong pasukin ang mundo nila, kahit alam kong delikado at nakakatakot. Sinubukan kong maging isang kauri nila, kahit alam kong hindi ito ang pinangarap ko. Curious akong tao, at gusto kong murahin ang sarili dahil sa ugaling iyon.
Kaya ngayon heto ako, nagtatago sa silahis ng araw. Masayang nakikipaglaro sa pulang likido.
Chia, ang tawag sa akin ng mga kaklase ko noong elementary. Pero napalitan ng Ara. Mas mature daw ito kaysa sa nakaraan kong palayaw. Chiara Mae Somera. Simple at maraming pangarap. Pumunta ako sa Mist Province para mag-aral ng kolehiyo. Pero pagpunta ko roon iba ang natagpuan ko.
Nakakatakot. Nakakakilabot. Pero kahit na ganoon ang pagkakakilala sa kanila mas lalo akong na-curious at hinahanap ang paraan para maging isang katulad nila.
Natupad ang wish ko, pero hindi pala lahat ng wish na natutupad, worthy.
BINABASA MO ANG
Midnight Dreams
Vampire"All of us have secrets." For Ara, she believed that Vampires are real. Kahit na minsan ilusyon lamang ito ng mga tao. Hanggang sa gumawa siya ng paraan para mapatunayan na ang kaniyang pinapaniwalaan ay totoo. Hindi siya nabigo, nakakilala s'ya n...