27. Nullification

1.2K 39 3
                                    

Author's Note: Ang susunod na mababasa ay istriktong gabay ng konsensya. Maselang parte at kalandian ang taglay nitong kabanata. Mag-ingat, mahal pa naman ang gastusin ngayong taon. 

Pero salamat sa mga nagbabasa nito. Nakakakilig. I love you guys! Comment naman diyan. Mehe. 

---

Naramdaman ko ang sakit ng aking batok. Napadilat ako ng aking mata at napatingin sa paligid. Nasa living room ako’t hindi maintindihan ang nangyayari.

“Bakit ako nandito?” Ang tanging natatandaan ko lamang ay ang pagbangon ko kanina para kumain, at doon wala na akong matandaan.

“Wala kang natatandaan?” Unang bumungad sa aking harapan ang pagmumukha ni Amy. May hawak siyang bag ng yelo at dinadampi ito sa kaniyang bisig. Nakita ko ang pasa niya rito.

“Anong nangyari sa’yo?” Tanong ko habang inaalalayan ko ang aking ulo dahil sa sakit.

“Sinugod mo si Amy, at nakapatay ka ng isang bampira.” Napatingin ako sa sumunod na nagsalita, si Raven. Napasingkit ang akin mata. Bampira, Sinugod.

 

Doon na-realize ang ginawa ko kanina. Sa bodega kung saan narinig ko ang isang napalakas na iyak ang narinig ko kaya’t pinuntahan ko. Doon ko nakita ang isang babaeng agresibo para patayin ako. Isa lamang ang nagawa ko noon, ang kainin ang dugo niya imbis na patulugin siya. Idagdag din ang pagpunta ni Amy at halos gusto ko pa noong uminom ng dugo. Hindi ko napigilan kaya naman sumugod ako sa kaniya at tinangkang kainin.

“Naalala ko na.” Saad ko, habang tinitignan si Raven.

“Nakapatay ka ng bampira, sa pamamagitan ng pagkain mo sa kaniya.” Tugon ni Raven habang sinusuri ako.

Ano naman? Iyon ang sagot ko, pero mas binabuti kong itago iyon sa aking sarili. Nag-iba ang mood ko, ang pagkalito ay napalitan ng galit at inis. Ngunt tumahimik na lamang ako habang pinapakinggan ko silang manermon.

“At ginawan mo pa ako ng pasa.” Inemphasize ni Amy ang pasa niya sa kaniyang bisig. Napangiti ako sa kaniya, buti nga sa kaniya.

“Hindi ka ba nababahala, Ara?” Iyon ang huling tanong sa akin ni Raven bago ko siya tinignan ng masama. Sa totoo lang, naiinis pa rin ako dahil sa nadiskobre ko kanina. Bakit merong pasilidad na ganoon sa lugar na ito?

“Bakit ako mababahala? Kaya kong protektahan ang sarili ko.” Tugon ko na naging dahilan ng pag-iba ng ihip ng hangin sa paligid. Napalitan ito ng tensyon, pero hindi ako nababahala. Mas malakas ako sa mga ito. Mas kaya kong protektahan ang sarili ko.

“Nasa ikatlong proseso ka na ng pagbabago. Kaya mo na kaming kainin kung gugustuhin. At pwdeng kahit anong oras ay pwedeng magtriger ang ika-apat na proseso kung saan hindi ka na isang normal na bampira.” He told. I stand up at pumunta sa harapan niya. Naaamoy ko ang mabango niyang dugo.Pinakamabango sa lahat. Napabuntong hininga ako’t tumingin sa kaniyang mata.

“Wala akong pakialam sa pagbabago ko. Ang nababahala ako ay baka matulad ako sa bilanggong bampira. Pero, bakit nga ba ako matatakot? Di hamak namang mas malakas ako sa inyo.” Pagmamayabang ko dahil sa sobrang inis ko. Nagbago ang expresyon sa kanilang mukha.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon