42. Bruises of Past

972 36 6
                                    

Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa sa akin ni Corine. Naghilom na lahat ng sugat na nasa katawan ko ngunit hindi ang sugat ng nakaraan na nangyari. Sariwa pa lahat. Ang sakit, ang pighati at ang lungkot na nakita ko sa mga mata ni Corine. Lahat ng iyon ay dahil sa akin. Lahat ng iyon ay kasalanan ko.

Sinubukan kong tawagan si Devin kung natagpuan na niya si Corine, ngunit hindi man lang niya sagutin ang mga tawag ko hanggang sa nainis ako't binato ang cellphone sa somewhere na nasalo din lang ni Brielle na kararating lang sa mga oras na iyon.

"Mahal ang cellphone ngayon. Pasalamat ka nga at may Iphone 6 kang 'di galing sa bangketa." Pang-aasar niya. Ngunit hindi ko siya pinansin. Patuloy lamang ako sa pag-inom ng alak ni Devin na nadekwat ko sa bahay nila.

"Ano bang inaarte mo diyan?" Tanong niya. Buti pa ang babaeng ito walang problema.

"Boyfriend drama?" Pangungulit niya ulit. At sa dalawang salitang iyon mas nainis ako dahil naalala ko si Raven.

Dahil sa asar ay naibato ko ang hawak kong baso kay Brielle. At syempre hindi siya natamaan dahil sa magic niya. Nabasag ito bago makarating sa kaniya.

"Masyado kang pikon. Alam mo namang mas makapangyarihan ako sa'yo." Mungkahi niya na naging dahilan ng pag-ilaw ng bumbilya sa kukute ko. Oo nga, makapangyarihan siya. Matalino.

At gagamitin ko ang bagay na iyon.

Agad akong humarap sa kaniya ng nakatingin. Nakatingin din siya sa akin ngunit may halo ng pagdududa na parang nabasa niyang may gagawin ako sa kaniya.

"Di ba, sa mga kampon ng mga witches may tinatawag silang 'locator's spell' at naniniwala akong magagamit natin ang bagay na 'yon upang mahanap ang nawawalang kuting."

Naramdaman ko ang eagerness sa katawan ko. I don't know kung saan nanggaling ito.

"So?" Walang kwenta niyang tugon.

"So tutulungan mo ako para mahanap si Corine." Napa-smirk siya sa sinabi ko.

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

Ngumiti ako bago sumagot.

"Kasi may ability akong natatangi sa lahat ng bampira. Abilidad na hindi magkaroon ng bisa lahat ng witch spell na sasabihin mo sa akin kaya mabibigyan ako ng pagkakataon para patayin ka." Pananakot ko sa kaniya na epektibo naman. Kaya hindi na kami nagtagal pa as diskusyon dahil agad siyang kumuha ng mapa ng Mist Province. Hindi lamang Graceville ang pagtutuunan ng pansin aniya kaya kumuha kami ng mapa ng Mist Province. After that inutusan niya akong kumuha ng gamit ni Corine. Since may kunting remembrance naman ako kay Corine kinuha ko ang dati kong hiniram na notebook sa physics.

Pumuwesto kami sa may dinning nila. Napatingin pa ako sa paligid.

"Asaan ang kapatid mo? Baka makita tayo sa witchy thing mo." Pang-aasar ko.

"Tulog." Maikli lamang niyang sagot hanggang sa kinuha niya ang notebook at nilapag malapit sa mapa. Dinasalan niya ito.

Nakatingin lamang ako habang pinapanood siyang weird na nagdadasal. May mga sinasambit siyang latin pero hindi ko na iyon maintindihan kaya't pinabayaan ko lang siya. Hanggang sa nagulat ako dahil lumiyab ang notebook. Aapela sana ako na baka mas lalong magalit sa akin si Corine dahil bakit sa lahat ng notebook na susunugin eh ang Physics pa na sobrang hirap.

Nakita ko ito kung papaano nagliyab at tumunggo sa may mapa. Kakaiba din itong si Brielle minsan. Hindi naiisip na baka masunog niya ang sarili niyang bahay.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon