EPILOGUE

2K 38 0
                                    

EPILOGUE

 

Ara's POV

Totoo nga ang sinasabi nila, na malalaman mo lamang ang kahalagahan ng isang bagay kapag ito'y nawala na.

Masyado akong nagbaliwala. Masyado akong naniwala sa sarili ko. Masyado kong pinaunlakan ang sakit kaya hindi ko nakitang may mga tao palang nasa harapan ko na handa akong tulungan at ilabas sa dilim.

Pero masisisi ba ako? Napanindigan kong lahat ng nilalang bampira man o tao kapag nasaktan sila hindi nila alam kung papaano pa muling mabubuo o babangon. Hindi nila makita ang mga taong nasa harapan nila handang tumulong dahil masyadong madilim, masyadong masakit.

Huli na para magsisi. Wala na siya. Marami nang nawala. At gusto ko na rin mawala.

Hawak hawak ang daylight ring ni Devin nasa isa akong tulay na bihira lamang dinadaanan ng tao. Tulay na makikita mo ang bukang-liwayway. Hindi suot ang aking singsing, handa na ako. Handa na. Ipinikit ko ang aking mata. Dinama ang buong paligid. Marami nang nawala at dapat isa na ako doon.

Ako'y bumuntong hininga. Nararamdaman ko ang init, ang hapdi. Katapusan ko na.

"H'wag Ara." Napahinto ang mapayapa kong kapaligiran ng makarinig ng isang boses. Pamilyar na boses. Andito s'ya. Andito siya.

"Devin!?" Binuksan ko ang aking mata pero wala akong makita. Andito ako sa tulay, nakaapak sa railings nito't isang galaw ko lamang ay tubig na ang aking babagsak.

Pero wala akong pakialam. Narinig ko siya. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"Devin!?" Naiiyak kong ulit sa pangalan nya. Pero wala akong narinig. Napatawa ako ng mapait. Masyado na kasi akong masama kaya pati kaluluwa ng mga taong naging dahilan ng kamatayan nila'y minumulto ako.

Bumalik ulit ako sa dati kung posisyon. Tinignan ang haring araw na malapit nang magpakita. Ngunit nawalan ako ng balanse ng paglingon ko nakita ko siya. Nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Nakaharap sa akin. Lumulutang.

At habang iniimprinta ng utak ko kung ano iyong aking nakita unti-unti akong nahulog. Unti-unti akong lumilipad, hindi pataas ngunit pababa. Bumabagsak ang aking katawan.

Pumikit ako. Gusto ko nang mawala.

 

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng tubig. Masakit ngunit kayang indahin. Ngayo'y nasa kalaliman na ako ng ilog. Nagpapaagos sa tubig. Hindi ako aahon, hindi.

"H'wag. H'wag kang malungkot. Maging masaya ka't isipin mo kung gaano ako kasayang nakilala kita. Mamuhay ka ng masaya na wala ako, Ara. Para sa akin mabuhay ka."

Napatingin ako sa paligid. Narinig ko na naman ang boses na iyon kaya kumilos ako. Hinanap kung saan nagmumula ang boses na iyon. Ngunit tanging naramdaman ko ay panghihina. Bakit kailangan kong ganitohin ang sarili ko? Bakit hindi ko magawa ang hiling niya sa akin. Bakit?

"De..vin.." Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan dahil naramdaman kong humina ang aking buong katawan. Tatlong linggo na akong hindi kumakain ng dugo. Nangako akong hindi ako kakain ng dugo.

Unti-unti nang pumikit ang aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang haak ng aking katawan. Hatak na ba ito ng kamatayan? Hatak na ba ito ng konsensya?



Hindi ko alam. Pero nararamdaman ko pa rin ang hanging malamig. Ang pagkawala nang yakap ng tubig sa akin. At tanging naramdaman at narinig ko na lamang ay pulso at hininga.

Isang tao.

Nagutom ako ng hindi inaasahan. Nakaramdam ako ng sakit sa aking lalamunan. Hanggang sa sinubukan kong tignan kung sino ang taong nakahawak sa aking katawan at dinala ako sa pangpang.

"Miss! Gumising ka." Narinig kong saad niya. Napatingin ako, inaninag kung sino ito hanggang sa nakita ko ang isag lalaking basa rin ang buong katawan. Marahil siguro sa pagsagip niya sa akin.

"Miss."

Hindi pa rin maayos ang aking paningin at nanghihina pa rin ako. Hanggang sa nakita ko ang kaniyang pulso. Sa kamay, sa leeg atbp pang parte ng kaniyang katawan. Pulso.

"Kailangan ko ng dugo." At sa hindi inaasahang pangyayari ay nasabi ko ito.

Naaninag ko ang kaniyang mukha. Nakatingin siya sa akin. Mas lalo akong nagutom. Mas lalo kong kailangan ng dugo.

"Kailangan ko ang dugo mo." Hinang-hina kong sabi. Nakita ko sa aking malabong paningin kong papaano kumunot ang kaniyang noo. Hanggang sa may kinuha siyang matalim na bagay na siyang ginamit niya upang sugatan ang kaniyang pulso sa kamay.

Naamoy ko ang dugo. Hanggang sa naramdaman kong papalapit na ito sa aking labi. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa aking bibig hanggang sa nalasahan ko ang sarap ng kaniyang dugo.

Nabuhay muli ako't nalasahan ang sarap. Doon hindi na papansin na marami na akong nakukuha sa kaniya. Tumigil ako nang narinig ko siyang uma-ray. Doon ako napaatras at lalong lumayo sa kaniya.

Nakatingin lamang siya sa akin. At wala akong ginawa kundi takasan siya. Ayoko siyang saktan. Ayoko siya ang susunod na taong mapapabilang sa aking mga pinatay.

Tumakbo ako, umalis sa lugar na 'yon. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na ang aking daylight ring maging kay Devin ay nasa aking mga kamay.

Author's Note:

 

Bitin? Bitin. Please proceed sa author's note sa susunod na pahina for more information kung bakit ganito ang epilogue. Hehehehe! Complete na ang kwento! Yahooo! At dahil last na ito sa kwento, gusto ko namang marinig ang mga comments niyo! Hehehehe! Ayos ba? 

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon